KAYA MO BANG PASANIN ANG MGA PAKPAK?
Natural kay Gabby ang gumawa ng kabutihan. Hindi kailangan ng dahilan; sapat na ang bugso ng damdamin. Gaya nitong araw na ito – papunta sa upisina si Gabby nang mapansin niya ang isang babaeng pulubi sa bangketa, nakahandusay, namimilipit sa gutom. Lalampasan ni Gabby ang pulubi, ngunit pipigilin siya ng kanyang damdamin. Maglalagay siya ng barya sa kupi-kuping lata sa tabi ng pulubi. Lalayo na sana siya nang marinig niya ang bulong ng pulubi, “Para n’yo nang awa… h’wag n’yo po akong iwan.” Walang tao sa paligid. Kakawayan niya ang isang papadaang taksi. Bubuhatin ni Gabby ang matanda, isasakay sa taksi. Aangal ang drayber. “Ako’ng bahala, pare… d’yan lang sa PGH,” ang pakiusap ni Gabby.
Sa ospital, ipapasok ang pulubi sa emergency. Maraming tanong ang nars – “Pangalan ng pasyente? Kamag-anak po ba kayo?” Hindi malaman ni Gabby kung paano mag-uumpisa. “Sino po ang magbabayad?” Mauubusan ng pasensya si Gabby. Ilalabas niya ang matanda.
Walang makuhang sasakyan si Gabby kundi isang karetela. Dadalhin niya ang matanda sa komunidad ni Mother Teresa sa Tondo. Dito, walang tanung-tanong na aarugain ng mga madre ang matanda.
Bukod sa pagkakataong iyon, wala nang kulay ang buhay ni Gabby. Accountant siya sa isang TV station. Hindi kasinsaya ng buhay sa TV station ang kanyang buhay sa upisina. Pagkatapos ng trabaho noong araw na iyon, maiisip niyang balikan ang pulubi. Bibili muna siya ng ilang mansanas bago tumuloy sa komunidad ng mga madre. Pagdating doon, malalaman ni Gabby na wala na ang pulubi. “Namatay na ho,” ang maikling sagot ng madre.
Isa na namang araw ang gigising kay Gabby. Exercise, agahan, paligo. Walang pagkakaiba, maliban sa mapapansin niyang pamumula sa kanyang likuran. Ang pamumulang ito ay magiging bukol, dalawa. “Obserbahan muna natin,” ang payo ni Mike, ang kaibigang duktor.
All-Lasallian staff. All talents are affiliated with DLSU, grad/CSB grad/Grad Studies/ DLSU high schools.
This movie will raise funds for the One La Salle Scholarship Fund.