Isang mainit na pagbati mula sa MAlayang Sining- KAYumanggi (MaSKay)!
Para sa lahat ng mga naglalayon na mapalawig ang kaalaman sa larangan ng sining at sa mga nagnanais na magkaroon ng pagkakataon na mahasa at malinang ang kanilang mga natatagong kakayahan at talento sa pamamagitan ng isang gawaing- kasanayan sa paggawa ng pelikula.
Inaanyayahan namin ang mga gustong makibahagi at gawin makabuluhan ang kanilang Sabado’t Linggo sa buwan ng Hulyo, mag- aaral man o propesyunal, may edad 18 pataas, halina’t sumama dahil sa ikalawang pagkakataon aming binabalik ang “FREE FILM WORKSHOP”-
SULYAP:
Pagsilip sa Paggawa ng Pelikula 2
Ika- 23, 24 at 30 ng Hulyo 2011
alas- 8 ng umaga hanggang alas- 4 ng hapon
(para sa ika- 23 ng Hulyo)
alas- 9 ng umaga hanggang alas- 12 ng tanghali
(para sa ika- 24 at 30 ng Hulyo)
Lungsod ng Quezon
Para sa mga gustong magpatala, katanungan at karagdagang kaalaman ay maaring makipag- ugnayan sa pamamagitan ng:
Email: maskay_project@yahoo.com
Paalala:
- Ang “Free Workshop” ay may nakatakdang bilang lamang ng kalahok.
(Limited slot only)