News:

"Ang Lalake sa Parola" to be screened in UP Film Institute
Ruel Mendoza
Saturday, September 1, 2007
11:09 AM


Viva's latest digital feature, Ang Lalake sa Parola, premieres as a UP Film Institute exclusive on September 3. Harry Laurel (in photo), the newest member of the sexy group Provoq Men, topbills this digital film.

File photo

    Ipapalabas na sa September 3 sa UP Film Institute ang queer digital movie na Ang Lalake Sa Parola.

    Pinagbibidahan ito ng Provoq Men na sina Harry Laurel at Justin de Leon. Kasama rin sa cast sila Alan Paule, Richard Quan, Dexter Doria, Sheree, at Jennifer Lee. Mula ito sa direksyon ni Joselito Altarejos at produced ng Viva Entertainment.

    Ang Lalake Sa Parola (The Man In The Lighhouse) ay isang digital film tungkol sa homoerotic journey ni Mateo (Harry Laurel) sa paghahanap niya sa kanyang tunay na ama na iniwan siya noong siya ay five-year old lamang at sa kanyang tunay na pagkatao. Nakarating siya sa Lobo, Batangas, kung saan ‘di na niya naabutan ang kanyang ama na lumipad patungong Dubai.

    Nakilala niya si Jerome (Justin de Leon) na isang bading mula sa Maynila habang nagtatrabaho siya bilang caretaker ng lighthouse sa Lobo. Doon na nagsimula ang kanilang kakaibang relasyon.

    Pero biglang papasok si Suzet (Jennifer Lee), ang babaeng nagsusumikap na makuha ang pagmamahal at atensyon ni Mateo. Sino na ngayon ang pipiliin ni Mateo? Anong buhay ang gusto niyang sundin?

    Ang latest digital feature ng Viva Entertainment, Ang Lalake sa Parola, ay ipapalabas sa UP Diliman ngayong Lunes, September 3, at 7:30 p.m.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

  Top
 

Source:



Ang Lalake Sa Parola
Jay Alterejos

 


Content on this page requires a newer version of Adobe Flash Player.

Get Adobe Flash player