News:
"Sa Pagdapo ng Mariposa" screens at IndieSine starting May 21
Ruel Mendoza
Thursday, May 15, 2008
11:54 AM
Marcus Madrigal (left) and Josh Deocareza (right) are two men who develop a close bond in Sa Pagdapo ng Mariposa. This indie film directed by Will Fredo will premiere in IndieSine on May 21.
File photo |
Kahit naurong ang playdate ng pelikulang Sa Pagdapo ng Mariposa sa May 21 ay patuloy pa rin ang interes ng marami na mapanood ito. Marami kasing dahilan kung bakit kaabang-abang ang naturang pelikula.
Una na dito ay ang maugong na nakakawindang na "twist" ng istorya nito sa ending. Sunod ay ang pagbabalik pelikula ni Marcus Madrigal na unang nakilala sa pelikulang Pila-Balde (1999). Ikatlo ay ang pagpapakilala at pagiging daring ng commercial model na si Josh Deocareza.
And, last but not least, ay dahil ito ang second directorial job ni Will Fredo na siya ring nag-direk ng critically-acclaimed indie movie, Compound (2006).
Produced by Hubo Productions, Sa Pagdapo ng Mariposa ay istorya ng isang sepak takraw player (ginagampanan ni Marcus) at isang therapist/nurse (ginagampanan ni Josh) na sa ‘di maipaliwanag na kadahilanan ay may namuong pagtitinginan sa isa't isa sa gitna ng pagiging sigurado nila sa sariling sekswalidad.
At dahil sa attraction niya sa kanyang caregiver, nagkaroon ng resistance at struggle ang karakter na ginagampanan ni Marcus ngunit nangibabaw ang kaniyang emosyon at pangangailangang sexual bilang isang lalake.
Ayon kay Direk Will, ang pelikulang ito ay medyo autobiographical: "It's a very personal movie. But more than anything else, it's a movie about coming to terms with who you are, and when you do know, what do you do about it?"
There are daring scenes in the film, but the impact of the storyline outweighs them all. Sa katunayan, ito ang nagkumbinse kina Josh at Marcus na gawin ang pelikula.
"When I read the script, I immediately fell in love with the story, especially because of the character that I was to portray. It has so much into it. There's a major twist that not even the actors would ever think of," wika ni Josh.
Dagdag pa ni Marcus: "What I liked about it was that despite its gay undertones, the movie was an example of a film that was daring, but not so much in the physical sense. It was very well done at ‘di kailangang tumodo sa paghuhubad."
Ang pelikulang Sa Pagdapo ng Mariposa ay isang proyekto ng Hubo Productions sa ilalim ng tinatawag na Brave New Movement in Music and Cinema. Kasabay nito ang kauna-unahang soundtrack para sa isang indie movie na inilabas na sa record outlets as early as last year.
Ang Sa Pagdapo ng Mariposa ay ipalalabas sa May 21 sa Robinson's Galleria IndieSine. Send an e-mail to info@hubo.biz or call/text +63.917.520.HUBO for more information.
|
|
Source: |
Philippine Entertainment Portal |
|