News:
SISID: A GMA News and Public Affairs Underwater Special
Airing on May 18, GMA 7
Sunday, after Ful Haus
More than seven thousand islands make up our vast archipelago, and
yet little is known about what lies beneath our seas. A deep dive
will soon reveal an entirely different world just waiting to be
explored.
This summer, GMA Public Affairs takes the plunge with Sisid, an
Underwater Special hosted by Howie Severino, Susan Enriquez, Miriam
Quiambao and Doc Ferds Recio. Together, they break the water's
surface to bring forth amazing and unexpected tales under the sea.
Sisid reveals the country's countless marine marvels. Tubattaha Reef,
off the coast of the Palawan Islands, is nominated as one of the New
Seven Wonders of Nature. Miriam Quiambao and Doc Ferds Recio explore
Tubattaha's giant corals and underwater species to showcase the
Philippines's pride.
Susan Enriquez goes reef walking in the world-famous beaches of
Boracay, and Howie Severino comes face to face with one-of-a-kind
creatures of the sea in Verde Island Passage, considered the center
of the center of marine biodiversity in the world.
Not all dives are light and fun. Some can be quite chilling. In the
once lahar-stricken province of Zambales, Doc Ferds explores a "lost
town", left completely submerged in water. Old structures in this
sunken town literally turn to dust at the touch of a finger.
Underwater time travel continues in Subic, with the exploration of
World War II shipwrecks lying on the ocean floor.
Stories of the past also unfold in Malapascua, Cebu, as Howie
Severino looks back on one of the biggest sea disasters in the
country. He delves deep into the sunken ship, Dona Marilyn, which
claimed the lives of 500 people twenty years ago. Together with a
survivor, Howie recounts the stories of those whose lives were
changed by this tragedy of the sea.
Beyond beauty and tales of history, trouble lurks beneath our waters.
Sisid takes us to Guimaras, Manila Bay, and Anilao, to bring
underwater issues to the surface.
The island paradise of Guimaras was devastated by a major oil spill
two years ago. Today, we are still reminded of crustaceans covered in
black grease along the shore. Sisid unveils the current state of
Guimaras underneath its blue waters. The recesses of Manila Bay will
also be explored to determine whether beauty has survived amidst
pollution. And in Anilao, creatures called "crown of thorns" that
destroy corals will be harvested.
Dive into the mysterious and fascinating underwater world. Sisid airs
May 18 after Ful Haus.
----------------------------------------------------------
Ang mahigit pitong libong isla ng Pilipinas ay napapalibutan ng
karagatan. Pero kakaunti lang ang nakaaalam ng mga kwentong nakatago
sa ilalim ng dagat. Malaking bahagi ng ating kayamanan, tila
sikretong nakatago sa tila naiibang mundong ito…na naghihintay na
lamang tuklasin at sisirin.
Ito ang dahilan kung bakit nabuo ag SISID, ang Underwater Special ng
GMA News and Public Affairs, kasama sina Howie Severino, Susan
Enriquez, Miriam Quiambao at Doc Ferds Recio.
Sisirin ang pinakamagandang dive sites sa Pilipinas. Sina Miriam at
Doc Ferds maglalakbay patungong Tubbataha Reef para patunayan kung
karapat-dapat nga ba itong hirangin bilang isa sa " New 7 Wonders of
Nature. " Si Susan naman, maglalamyerda sa Boracay para mag-reef
walking. Bibisitahin din niya ang isang underwater burial site sa
Anilao, Batangas.
Ang mga naiibang nilalang sa ilalim ng dagat, harap-harapan ding
kikilalanin. Sisisid si Howie sa Verde Island Passage na nasa pagitan
ng Mindoro at Batangas, ang tinuturing na " Center of the Center of
Marine Biodiversity " 60% ng mga isda sa buong mundo, dito
matatagpuan.
Sisirin din ang mga bahagi ng ating kasaysayan na nakalubog sa pusod
ng karagatan. Dinayo rin ni Howie ang isla ng Malapascua sa Cebu para
hanapin ang MV Doña Marilyn, na lumubog noong 1988 kung saan 500 ang
namatay. Si Doc Ferds naman pupunta sa mga lumubog na warship sa
Subic noong World War II. Tatangkain din ni Doc Ferds na sisirin ang
isang lawa sa Zambales kung saan lumubog ang dalawang baranggay noong
pumutok ang Mt. Pinatubo noong 1991.
Ang mga isyu at problema ng karagatan palulutangin. Sasadyain ni
Susan at Howie ang Guimaras para siyasatin ang kalagayan nito matapos
ang naganap na Oil Spill magdadalawang taon na ngayon. Si Miriam
naman haharapin ang suliranin sa basura ng Manila Bay at pipilitin
niyang madiskubre kung totoo nga bang meron pang mga buhay na coral
reefs dito. At sisid si Susan sa Anilao para manguha ng mga Crown of
Thorns na nakakasira ng mga coral reefs.
Aahon na ang kwento ng ating karagatan sa SISID, sa Mayo 18 sa SNBO
pagkatapos ng Ful Haus.
----------------------------------------------------------
All Rights Reserved. 2006 © GMA Network Inc.
|
|
About the Author:
... |
|