News:
Howie Severino's "Iskolar ng Bayan" on i-Witness
Airing on June 23, 2008, GMA 7
Monday night, after Saksi
This Monday night, meet three teens from public schools, all headed
for college at UP Diliman. Shadowed by Howie Severino and his I-Witness team, these youngsters carry the weight of their families and
communities' expectations as well as their branding as part of UP's
centennial batch.
The son of a retired Leyte policeman, the daughter of a fishball
vendor in Manila, the son of a jeepney driver -- these freshies are
the prototypical scholars ng bayan in a campus increasingly populated
by well-to-do graduates of exclusive high schools.
Viewers will see their small worlds grow as they encounter strange
characters and unexpected situations at university. Their freshman
orientation is disrupted by the sudden appearance of rowdy campus
rallyists, their introduction to a central part of UP life.
Join these freshmen as they experience their first weeks as "Iskolar
ng Bayan" in Howie Severino's back to school documentary, airing
Monday late night on I-Witness.
________________________________________
Tatlong mag-aaral mula sa public school na papasok ng UP Diliman ang
sinundan ni Howie Severino para sa I-Witness. Dala-dala ng bawat isa
ang pag-asa ng kanilang pamilya at komunidad, at ang tatak bilang
miyembro ng centennial batch ng Unibersidad ng Pilipinas.
Ang isa ay anak ng pulis mula sa Leyte, ang isa ay anak ng fishball
vendor sa Maynila, at ang pangatlo ay anak ng jeepney driver. Sila
ang mga kabataang tunay na maituturing na iskolar ng bayan, sa isang
pamantasang unti-unting
napupuno na ng mga maykayang mag-aaral mula sa mga eksklusibong high
school.
Makikita natin ang unti-unting paglaki ng kanilang mundo sa pagkilala
ng mga bago nilang kaklase at sa pagharap nila sa ilang di inaasahang
pangyayari. Ang kanilang freshman orientation ay ginulo ng mga
ralyista. Ito ang tila naging hudyat ng magiging buhay nila sa
pamantasan.
Danasin ang buhay ng mga "Iskolar ng Bayan" sa dokumentaryo ni Howie
Severino ngayong Lunes ng hatinggabi sa I-Witness.
----------------------------------------------------------
All Rights Reserved. 2006 © GMA Network Inc.
|
|
|
|
About the Author:
... |
|