Ang Reunion nila Tito, Vic and Joey Article posted December 19, 2008
Ngayong Pasko, marami ang nagaabang sa Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil sa nalalapit na reunion ng tatlo sa haligi ng comedy dito sa Pilipinas – sila Tito, Vic and Joey. Starting December 25, mapapanood na natin ang much-awaited na Iskul Bukol: 20 Years After, kung saan magsasama ang halos lahat sa original cast ng nasabing late 70’s show. Text by Loretta G. Ramirez, Photos Courtesy of OctoArts Films, M-Zet and APT Entertainment
After almost 20 years, magkakaroon ng reunion ang barkadang kinagiliwan ng mga manonood noon sa telebisyon ang Iskul Bukol. This year naisipan nila Tito Vic and Joey na ipakilala ang Escalera brothers at si Vic Ungasis sa generation ngayon kaya naman they decided to come up with a reunion movie.
"Alam namin na na-miss ng mga tagahanga namin ang Iskul Bukol na tumakbo rin ng sampung taon sa telebisyon at kaming tatlo, as TVJ, last time na gumawa kami ng pelikula was 1990 pa yata, e. So, it's about time na magkaroon ng reunion yung TVJ, and what's more fitting kundi 'yung reunion din ng Iskul Bukol: 20 Years After,” ayon kay Vic Sotto.
“The film is the updated version of the sitcom from the last time the whole gang was seen in television. At para mas exciting ang storyline ng movie sa mga manood, some of the important parts was shot in Cambodia. Ilan sa breath taking views and some lovely scenic spots ng bansa ay makikita rin sa movie.
Idinagdag pa ni Vic na dito masasagot ang mga katanungan king ano na nga ba ang nangyari sa mga characters ng Iskul Bukol after 20 years.
"Ano na ang nangyari sa Escalera brothers? Ano na ang nangyari kay Ungasis, kay Miss Tapia, and the rest of the gang," ang dagdag pa ni Vic.
Siguradong aabangan ng mga tao ang long overdue na reunion ng TVJ sa isang project, and what better way to do it than a movie sa MMFF. Ang Iskul Bukol: 20 Years After ay mapapanood starting December 25.