Star Cinema reveals its new line up of movies for 2009
by Julie Bonifacio | April 08, 2009 8:08 AM
Kasalukuyang nire-review ngayon sa Cinema Evaluation Board ang T2 (Tenement 2) ng Star Cinema na pinagbibidahan ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa direksyon ni Chito Rono. Ito ang dahilan kaya walang premiere night ang T2 at diretso showing na sa Black Saturday, April 11. Sa isinagawang press briefing ng Star Cinema para sa T2 headed by their publicity head Roxy Liquigan nabanggit niya ang ilang detalye behind sa pelikula ni Direk Chito. Naging masusi raw talaga si Direk Chito sa technical aspects ng T2. Isa ito sa mga dahilan kung bakit sa rami ng mga director ng Star Cinema siya lang ang hindi agad binibigyan ng playdate. Ayaw daw kasing ma-pressure ni Direk Chito habang nagsho-shooting dahil may hinahabol na playdate.
Hands-on din si Direk sa pagpili sa lahat ng cast ng movie maging ang special appearance ng Box-Office King na si John Lloyd Cruz at Malaysian superstar na si Carmen Soo. Gusto raw talaga ni Direk Chito sina John Lloyd and Carmen. Nu’ng malaman ni John Lloyd na kinukuha siya for a special appearance for T2 agad daw siyang pumayag mereseng wala ng free time dahil sabay noon ang shooting niya ng You Changed My Life at taping ng I Love Betty La Fea. Gustung-gusto kasi ni John Lloyd na mai-direk siya ni Chito kahit four days lang. Hindi naman ni-reveal ng Star Cinema ang respective roles nina John Lloyd at Carmen sa T2 bagaman very vital daw ang participation nila sa movie.
After ng showing dito on April 11, iikot naman ang T2 para sa worldwide screening ng movie simula sa April 17 sa Guam, San Francisco , Las Vegas, Seattle , Los Angeles at San Diego ito mapapanood. Sa April 30 naman ay sa Dubai at Sharjah, May 7 sa Abu Dhabi, May 8 sa Canada at May 14 sa Qatar at Bahrain.
Samantala, ipinakita rin ng Star Cinema ang ilan sa rushes ng mga pelikulang shino-shoot nila ngayon. Una na ang comeback dirtectorial movie ni Lauren Dyogi starring Bea Alonzo, Derek Ramsay at Sam Milby, ang And I Love You So. Kasunod nito ang mga eksenang nakunan na sa Star For All Seasons na si Batangas Governor Vilma Santos sa kanyang first shooting day para sa In My Life na may working title dati na A Mother’s Story. Nakatakdang umalis si Governor Vi on April 19 para sa shoot ng movie sa New York. Nauna namang umalis ng bansa si John Lloyd nu’ng April 7 para sa show niya with Piolo Pascual, Bea Alonzo, Pokwang at Sam Milby na Hearttrobs. Mula doon ay didiretso na si John Lloyd sa New York at magsho-shoot sila for three weeks. Babalik siya ng Pilipinas on May 26. Habang si Luis Manzano naman ay nag-request sa Star Cinema na iurong ng ilang araw ang pag-alis niya ng bansa para naman makapiling kahit sandali ang girlfriend na si Angel Locsin sa birthday nito on the 24th of April. Gusto ni Luis na nandito siya sa asalto ni Angel on April 23 at siya ang unang babati sa aktres pagpatak ng 12 midnight kinabukasan.
Tuluy-tuloy naman ang shooting ni Megastar Sharon Cuneta para sa first movie nila together ng Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas na pinamagatang Best Friends Forever (BFF) sa direksyon ni Wenn Deramas. Nakatakdang ipalabas ang BFF on May 13 bilang Mother’s day presentation ng Star Cinema. Pasok pa rind aw si Gabby Concepcion sa isang cameo role for BFF. Pero hindi sila magkikita sa eksena ni Megastar. Lalabas lang daw si Gabby in a dream sequence. Nakapanghihinayang naman daw kung mapapanood agad sila ni Sharon in one movie sa sandali lang. Much better daw kung sa isang full-length movie ulit sila mapanood ng kanilang mga fans and possibly with their own daughter na si KC COncepcion. Nag-request naman ang mga Pinoy sa US na mauna mag-premiere night doon ang movie nina Mega at Comedy Queen bago dito sa Pilipinas. This is the second time na mas mauunang ipalabas abroad ang movie ng Star Cinema. Ang una ay ang first movie nina Piolo at Angel na Love Me Again.
Nakatakda ring humarap si ex-President Joseph Esrtada sa Managing Director ng Star Cinema a na si Malou Santos para sa movie na gusto niyang gawin with AiAi. After Holy Week makikipag-meeting si Erap kay Ms. Malou at ipre-present daw ni ex-President ang kanyang nabuong script para sa lkonspeto ng movie na gusto niyang gawin with Ai-Ai na idi-direk ni Direk Wenn.
Magsisimula na rin next month ang shooting ng first movie nina Aga Muhlach at Angel Locsin sa direksyon ni Cathy Garcia Molina. Pagbalik ni Sarah Geronimo sisimulan ang movie na pagtatambalan nila ni Rayver Cruz with Toni Gonzaga and Vhong Navarro.
At hindi man natuloy ang unang project na pagsasamahan dapat nina Sarah at Gerald Anderson this year, matutuloy pa rin daw ito next year. Pero mauuna muna ang third installment ng You Changed My Life nila ni John Lloyd Cruz sa 2010.
And last but not the least, tinatapos na rin nina Jake Cuenca, Geoff Eigenmann at Maja Salvador ang horror-suspense movie na Estrella sa direksyon ni Rico Ilarde. Kahit daw nasa GMA7 na si Geoff magpro-promote pa rin daw ang actor sa ABS-CBN ng movie nila.