|
A-list actor Piolo Pascual stars in the indie film Manila, which he also co-produces. The film was screened at this year's Cannes Film Festival and will be the opening film of the Cinemalaya Film Festival.
File photo |
Humarap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Piolo Pascual with directors Adolfo Alix Jr. and Raya Martin for the presscon of his indie film, Manila, kaninang tanghali, July 14, sa Max's restaurant, Sct. Tuazon, Quezon City.
Sa July 22 magsisimula ang regular run ng indie film shot in 16mm at blown up to 35mm. Pero ang Manila ang magiging opening film sa Cinemalaya Film Festival sa Cultural Center of the Philippines Main Theater, July 17.
Last year pa nagawa ang indie film na nagtatampok din kina Rosanna Roces, Angelica Panganiban, William Martinez, Jay Manalo, Jon Avila, Alessandra de Rossi, Iza Calzado, Baron Geisler, Jiro Manio, at Anita Linda.
Bakit natagalan bago ito ipalabas dito sa Pilipinas?
"Hinintay kasi naming ma-approve for exhibition ito sa Cannes Film Festival," paliwanag ni Piolo. "Kapag gusto mo kasing maipalabas ito sa Cannes, kailangang hindi muna ito maipalabas kahit saan."
Nag-lobby ba sila para makapasok ang movie nila for exhibition sa Cannes?
"Hindi naman," sagot ni Piolo. "Nag-submit lang kami ng DVD copy at baka makapasok. Nalaman namin na 50 films ang nag-submit and we didn't expect na makakapasok kami. Kaya ang gulat namin nang tumanggap kami ng invitation that Manila will have a grand premiere sa Festival de Cannes."
Ano ang naging feeling niya nang lumakad na sila sa red carpet ng 61st Cannes Film Festival?
"Nakaka-overwhelm to have a foreign audience na nanood ng movie," sambit niya. "It was our pride to represent our country and thankful din kami sa support ng mga Filipinos who were there at the festival."
REINVENTION. Natawa naman si Piolo sa tanong na parang hindi siya satisfied sa mga ginagawa niyang movies sa Star Cinema at naisipan pa niyang mag-produce ng sarili niyang pelikula.
"No. Let's just say I want to grow at hindi malimitahan ang kakayahan ko bilang isang aktor. I just want to reinvent myself. Ngayon ko lang sasabihin, pero that time na naisipan naming mag-produce ng Manila, hindi masyadong malaki ang fund ko noon dahil may iba pa akong investments. Halos walang laman ang savings ko.
"Kaya kami nina Direk Adolf," patuloy niya, "naghanap din kami ng puwedeng sumama sa aming mag-produce, kaya MJM Productions at ang Bicycle Pictures ni Direk Adolf ang nag-present nito. Kaya trabaho ako nang trabaho after that. Naging inspiration ko rin na after ng Cannes, madadala namin ito sa iba't ibang international film festivals."
Nagbayad din ba siya ng talent fee sa mga artista niya?
"Yes, lahat sila may bayad, except for Angelica Panganiban. Tulong na raw niya sa amin 'yon, kaya I'm very thankful to her."
Inabot din daw ng almost ten million pesos ang ginastos nila para sa Manila hanggang sa maipalabas ito sa Cannes.
DREAM PROJECT. May gusto pa raw gawing pelikula si Piolo na puro lalaki ang cast, na tipong Ocean's 11, ang Hollywood film na pinagbidahan nina George Clooney, Brad Pitt, at Matt Damon.
"Gusto kong makasama sina John Lloyd Cruz, Billy Crawford, Luis Manzano, John Prats, at Vhong Navarro. Mahirap gawin dahil sa mga schedules namin, pero dream project ko 'yon," sabi ni Piolo.
Sa mga naiisip niyang project, hindi ba parang kinakalaban na niya ang Star Cinema?
"Hindi naman," sagot ni Piolo. "You don't bite the hands that feed you. Empleyado lang ako ng ABS-CBN at Star Cinema. Mga indie films lang naman ang gusto kong gawin dahil hindi ko naman kaya ang mainstream movies."
KIMMY DORA. Pagkatapos ng Manila ay nag-produce ulit ng pelikula si Piolo at ang kanyang mga kasamahan. Ito ay ang launching movie ni Eugene Domingo na may titulong Kimmy Dora: Kambal na Kiyeme. Leading man dito ni Eugene ang Kapuso star na si Dingdong Dantes.
Bakit mga Kapuso stars at hindi Kapamilya stars ang kinuha ni Piolo sa pelikulang ito?
"Hindi naman. Ang isa pang katambal ni Uge, si Zanjoe [Marudo] is a Kapamilya. Nang simulan namin ang concept nito, nasa ABS-CBN pa si Uge [Eugene]. Nagkasama kami ni Dingdong sa TV commercial ng Pond's at nalaman kong gusto rin niyang mag-produce. Hindi naman siya tumanggi nang i-offer ko sa kanya na maging leading man ni Uge. Kinalimutan namin ang network war at gusto naming makapagbigay ng isang magandang pelikula," paliwanag ni Piolo.
KC CONCEPCION. Hindi ba niya naisip na gumawa ng indie film, isang love story na sila ni KC Concepcion ang magkatambal?
"Alam ko, gusto rin niya. Pero kung love story, dapat naiiba 'yon na magugustuhan ng mga tao," sagot ng matinee idol.
Kinumusta naman kay Piolo ang panliligaw niya kay KC. Bakit "five-year supply of perfume" ang pasalubong niya kay KC mula sa huling biyahe niya sa U.S.?
"I'd rather not talk about it. Siguro sa kanya na lang ninyo itanong. Basta all I can say ay she's somebody special to me. Okay naman ang Mommy Sharon [Cuneta] niya, and she's very supportive to her. Naka-focus muna kami ngayon sa teleserye namin, ang Lovers In Paris," pagtatapos ni Piolo.