News:

"The Panday magic is still there."
–Annette Gozon of GMA Films
Nora Calderon
Tuesday, December 8, 2009
01:44 PM


The characters of (from left) Buboy Villar, Rhian Ramos, Bong Revilla, and Geoff Eigenmann battle against their enemies on the sand dunes of Ilocos Norte for the MMFF entry Ang Panday.

GMA Films/Imus Productions

"Napasigaw ako sa tuwa nang baguhin ng Supreme Court ang desisyon nilang huwag ipalabas sa 2009 Metro Manila Film Festival ang mga pelikulang ang mga bida ay mga pulitikong kandidato sa coming 2010 elections," kuwento ni Senator Bong Revilla Jr. sa presscon kamakailan ng Ang Panday.

"Nakapanghihinayang kasi kung hindi maipalalabas ang epic na sinimulan ni Ninong Fernando Poe Jr., dahil halos isang taon itong pinaghandaan ng GMA Films at ng aming Imus Productions."

Siya na ba ang rightful heir sa throne na naiwanan ng tinaguriang Da King?

"I take my hat off to Da King, dahil he gave me his full blessing when I first essayed the role of Flavio, ang Panday.  Kaya naging mas maingat kami ngayon sa aming project na ito, lalo na ang character ni Flavio, para naman hindi ako mapahiya sa kanya at sa mga manonood, simula sa December 25."

Sa presscon, ipinakita for the first time ang mga special effects ng movie na dinirek ni Mac Alejandre at ang special effects ay pinangunahan ni Direk Rico Gutierrez, na mas exciting kapag napanood na sa big screen dahil ginamitan ito ng mga new trends ng film technology.

Nakausap namin si Atty. Annette Gozon-Abrogar, President ng GMA Films at talagang ipinagmamalaki nila ang kanilang movie.

"The Panday magic is still there, including the breath-taking adventure and the action scenes, and, of course, the love story that puts a heart in the center of the action."

According to Sen. Bong, the whole production cost P60 to P70 million.  Kumusta naman working with Phillip Salvador; his leading lady Iza Calzado, at Rhian Ramos na ngayon din lamang niya nakatrabaho?

"Saludo ako sa professionalism nina Iza at Rhian, bukod pa sa mahuhusay sila sa pagganap nila sa kani-kanilang role," sagot ni Sen. Bong.  "Hindi na ipagtatanong si Iza, dahil talaga namang magaganda lagi ang feedback sa kanya kahit anong gawin niyang movie o TV series. 

"Nagulat ako kay Rhian, dahil akala ko hindi niya kakayanin iyong mga fight scenes, pero mahusay niyang nagawa.  Thankful naman ako sa kumpare kong si Ipe [Phillip] dahil talagang pinaghandaan niya ang kontrabida role niya, marami siyang isinakripisyo rito, unang-una na nang magpakalbo siya for his role as Lizardo.  Bumilib din ako kina Geoff  [Eigenmann] at ang child actor na si Buboy Villar, iba ang stamina ng batang ito."

Kuwento naman ni Rhian, "Siyempre, nang tanggapin ko ang Ang Panday, inalam ko agad kung ano ang character ko. As Emelita, she's weak, confused ang character niya, pero lumalaban ako.  Kaya nag-training ako ng wushu and Chinese kung fu.  Sa set, thankful ako kay Sen. Bong kasi kapag hindi ko makuha ang gustong ipagawa sa akin ni direk Mac, siya ang nagtuturo sa akin kung paano i-execute ang scene.  Feel na feel ko ang mga action scenes ko."

Happy ang lahat na sigurado nang maipalalabas ang pelikula nila. Sina Rhian at Geoff ay excited rin dahil first time silang sasakay sa float while wearing their respective costumes sa parade of stars sa December 24.

 

  Top
 

Source:


Content on this page requires a newer version of Adobe Flash Player.

Get Adobe Flash player