News:

John Lloyd Cruz and Bea Alonzo wants to keep their communication lines open
By Bernie Franco
ABS-CBN.com


Matapos ang kanilang pagbabalik-tambalan matapos ang tatlong taon sa pelikulang Miss You Like Crazy ay magkakahiwalay na muli ang team-up nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Sa susunod na proyekto kasi ni Lloydie ay si Angel Locsin ang kanyang makaka-partner, samantalang ang susunod na TV project ni Bea ay sina Gretchen Barretto at Derek Ramsay naman ang kanyang makakatrabaho.

Sa guesting ng dalawa sa The Buzz kahapon, sobrang thankful sila sa malaking pagsuporta ng kanilang mga tagahanga dahil certified box-office hit ang kanilang pelikula. “Nakakatuwa na ganyan ang pagsuporta pa rin nila sa amin,” sambit ni Bea. “Tsaka big help si John Lloyd, ang tinaguriang Box-Office King.” Sinabi naman ni Lloydy na sa walong taon nilang pagtatambal ni Bea ay nasaksihan ng mga tao ang kanyang pagbu-bloom bilang aktres.

At dahil matatagalan pa bago sila muling magkasama sa iisang proyekto, sinabi ng aktor na sana ay manatili ang komunikasyon nila. “More than a promise sana hindi na mawala ‘yung ganito (closeness), sana hindi na ito matigil kahit hindi tayo magkasama. Sana we can manage to keep in touch at magbalitaan,” ani Lloydie.

Ikinagulat nga ng host na si Kris Aquino na hindi mahilig mag-textan at magtawagan ang dalawa kung wala silang proyekto. At binirong maaaring takot ang dalawa na ma-develop sa isa’t isa kung kaya’t ayaw nilang ma-attach sa isa’t isa. “Siguro nasanay na kami ng ganito. Umabot kami ng eight (years) na ganon kami,” depensa naman ni Lloydie.

Pero sinabi naman niya na pagkatapos ng Miss You Like Crazy ay umaasa siyang baguhin ang kanilang nakasanayan sa loob ng walong taon. “Sinasabi ko nga baka this time kakailanganin natin dahil magkakahiwalay na naman tayo. Kung ayaw nating mangyari ‘yung nangyari before na medyo parang nawala ‘yung closeness, para maiwasan baka kailangan (ng constant communication).”

Nang tanungin ni Kris ang dalawa kung anong katangian meron ang isat-isa upang ma-in love sila sa isa’t isa, ang sagot ng aktor, “She has this mystery. Akala ko kilala ko na siya pero parang hindi pa rin. Eight years ‘yon pero hanggang ngayon parang meron ka pa ring (misteryo).” “Punum-puno siya ng puso,” sagot naman ni Bea. “Whenever he talks talagang alam mong nanggagaling sa puso.”

 

Top
 

Source:


Miss You Like Crazy
Cathy Garcia Molina


Content on this page requires a newer version of Adobe Flash Player.

Get Adobe Flash player