Event:

Patatag Reunion Fund Raising

Sa Biyernes  (NOV 21, 2008) na ang fundraising concert ng Patatag sa 70s Bistro. Mula 6 hanggang 9 ng gabi. (no smoking!)-- kita kita tayo dun! Sa bawat tiket na bilhin niyo may libreng 3 CD Pack!  Pang-nostalgia-trip, pang-regalo sa pasko. 

Kasama namin sa konsyerto si Susan Fernandez, Jess Santiago at ang Bagong Dugo-- at iba pang mga kaibigan.  Sabi nila baka daw mapno ang lugar dahil maliit lang naman ito (naks!) kaya punta kayo maaga kung gusto niyo makasiguro. 

duon sa mga hindi nakakaalala kung sino kami, kaunting pagpapakilala. duon naman sa nagka-amnesia, kaunting pagpapaalala:

Nabuo ang Patatag nuong Marso 1984 sa gitna ng matinding pakikihamok laban sa diktadurya ni Marcos. Mga bata pa kami noon, mapusok, at siyempre, yapos ang idealismo at prinsipyo. Ang tanging nag-uugnay sa amin bukod sa aming paniniwala sa pagbabago ng lipunan, ay ang aming pagmamahal sa musika. Marami-rami ring kanta ang inawit namin. Marami-rami ring konsyerto ang aming nagawa bago kami nagpasyang tumigil na.  Nagdaan ang panahon, marami sa amin ang nagkapamilya at nagpasyang umukit ng ibang landas ng buhay. Pero ang paggiging magkaibigan namin ay nanatili. Nagkikita pa rin kami nuon tuwing pasko, o kung may panahong gusto naming magsama-sama o magbalitaan tungkol sa sanga-sangang landas na tinahak namin. Pagkaraan ng  24 na  taon mula nang binuo ang Patatag, eto pa rin kami, magkakasama, magkakaibigan. Nagdadamayan, nagtutulungan.

Marami sa aming mga kaibigan ang matagal nang nagmumungkahing mag-reunion kami. Bagamat nakakaengganyo, ngayon lang namin sineryoso ito. Dahil sa karamdaman ng isa naming ka-miyembro, si Nonyx. Naisip naming ang pag-reissue ng aming musika sa tatlong CD set ay makakatulong sa pagdugtong ng kanyang buhay. At kung mag-re-reunion concert  rin lang kami, ito na ang tamang dahilan! Nagpasya kaming mag-ensayo, tulad ng dati, sa bahay ng ilan sa amin. Higit pa riyan, ang ilan sa mga anak ng Patatagers ay kasama namin sa pagkanta: sina uyi, nicole, tippy, kiko, mikoy at iba pa. Nakakatuwa dahil hindi pala namin tuluyang naiwaksi ang niyakap naming prinsipyo at dedikasyon sa musika at lipunan. Akalain ba naming naipapamana pala ang mga  ito!

May pag-asa pa kung ganun.

Samahan niyo kami sa pagsisikap naming dugtungan ang buhay ng isa naming kasama. At palaganapin ang pag-asang natuklasan namin sa muling pagkanta ng musika ng Patatag.



November 21, 2008 fund-raising concert of PATATAG

    It's confirmed! Patatag's fund-raising concert and re-launch of our 3 albums will be held on November 21, 2008 at 70's Bistro in Anonas St., Quezon City.  Showtime is from 6:00 to 9:00 p.m.  

    We will be singing old favourites -- featuring new musical arrangements -- and we will be joined by a new generation of Patatag -- our very own children who have now become musicians and singers in their own right!

    Also sharing the stage with us on the 21st of November is a member of Patatag's family and dear friend, Susan Fernandez.  Other performers will be making special appearances, we will keep you posted on the line-up!

    How do you get to join us on this special night?  Simple -- purchase a 3-CD pack that Patatag will be releasing very soon -- and the CD-pack becomes your ticket to the show.  The 3-CD pack is a re-mastered (digital) release of our previous recordings, namely:  "Nagbabagang Lupa," "Batang Clark," and "Masdan, O Yahweh."  

How do you buy the 3-CD pack?  
1. You can purchase an advanced-sales coupon from any Patatag member, entitling you to a 3-CD pack, which you can claim at the venue on 21st November;  
2.  You can purchase a 3-CD pack, as soon as it becomes available, and bring the CDs on the 21st of November -- it's your ticket to the show;  
3.  You can purchase a 3-CD pack at the venue gate on 21st November.

Confusing?
Write us back, at Patatag84@gmail.com and we'll try to clarify or arrange something! :-)

    Oh, and the price of the 3-CD pack (and a night of music with Patatag and friends)... is Php 500.00.  All proceeds go to a support fund for a fellow Patatag member who is currently undergoing regular dialysis treatment.

    We look forward to sharing music, memories, hopes and new aspirations with you on this night and beyond.

See you on the 21st of November!

Yours in music,
PATATAG

 

 

  Top
 


Event Date:
November 30, 2008
6pm - 9pm

Venue: