Noong nakaraang ika-pito ng Pebrero, si Arvin Jimenez na mas kila sa pangalang "Tado" ay pumanaw dahil sa isang aksidente. Kasalukuyan nyang ginagawa isang video projects na may pamagat na "40 Mountains", isang pagtatanggol nya tungkol sa kalikasan.
Si Tado ay isang tunay na lagad ng Sining at isang aktibista na maraming ipinag-tatanggol.
Kilala sya sa programang "Strangebrew" at "Brewrats". Makikita rin sya bilang artista sa ilang pelikula at programang telebisyon.
Nakasama ko rin sya habang tumutugtog ang banda nya na "Live Tilapia" sa Purple Haze. At nagtuloy tuloy ang aming samahan sa isang grupo na kanyang itinayo kasama ng ibang mga alagad ng sining ... ang Dakila – Philippine Collective for Modern Heroism.
Isa syang natatanging Ama sa kanyang pamilya, 4 na babae ang kanyang anak. Suportado sya ng kanyang pamilya sa kanyang mga proyekyo ay kung minsan ay kama nya nag mga ito sa gig.
Pinasok nya rin ang larangan ng negosyo sa pamamagitan ng "Limitado" at "Limitatto".
Sa pamamagitan ng tula at maikling kwento ay makikita ang kanyang mga kakaibang ideya. Hindi na nya natapos ang kanyang pangatlong libro na sinusulat.
Naniniwala sya na pwede mong paglingkuran ang bayan gamit ang talento na ibinigay sa kanya. Dahil sa kanyang mga ideyolohiya ay napabilang sya sa maraming organisasyon ... as in marami.
Ang kanyang labi ay kasalukuyang nasa Paket Santiago Funeral Homes, V.Gomez corner E. Dela Paz, San Roque, Marikina (malapit sa Our Lady of Abandoned Chrurch). Para mabigyan ng pagkakataon na mabigyan sya ng pugay, magkakaroon ng mga Tribute Programs sa lugar ng kanyang lamay:
|
Pebrero 10 (Lunes) |
|
|
|
|
|
7PM - 9PM |
NGO/Civil Society |
|
9PM - 11PM |
PUP & Panday Pira |
|
|
|
|
Pebrero 11 (Martes) |
|
|
|
|
|
7PM - 9PM |
Sanlakas & Marikina |
|
9PM - 11PM |
Dakila, Brewrats, Artists & Friends |
|
|
|
Malaki ang suporta nya kahit sa aking mga personal na ipinaglalaban lalong-lalo na sa larangan ng Sining at Kultura. Sa baba ay makikita nyo ang video kung saan suportado nya ang "Agimat".
Paalam sa isang kapatid, kaibigan, kasining, kasama, kabalikat ... malayang paglalakbay!
For Press Inquiries and donation, contact 09151780240, 4354309 and mabuhay@dakila.org.ph