Tuktok Ng Tumpok
Katulad ng nasa taas, simulan natin sa Tuktok; Tuktok bilang isang estado o kalagayan na kung saan dito kaya nating gawin ang lahat ng naisin. Dito nakamit na ang kayamanan, kapangyarihan para pagalawin ang alin man, ituon ang atensyon sa nagnanais, kakayahang bumuo o sumira. Sa parang hindi nakakapagod. Kaya mong magpatakbo ng bisikleta ng hindi na humahawak sa manibela. Sa madaling salita, magkakaroon lang ng isang tagapagbigay ng ideya at nang nakararaming tatangkilik nito.
Kaugnay nito ang Tumpok; Pila-Pila, Tabi-Tabi, Paulit-ulit sa paghanap ng kasagutan kung paano umakyat. Mga sunod-sunod na tanong ang kaugnay ng mga produktong sa oras na ito’y nagamit na ay kailangan mo na ring humanap ng mas higit pa. Patong-patong na katotohanan, na iisa lang ang pwede sa isang partikular na bagay.
Katulad ng lahat ng bagay sa mundo kalakip ng isa ang isa. Hindi magkakaroon ng nasa Tuktok kung walang malaking bilang ng nangangailangan. Kung walang Tumpok na nag-aabang sa basurang inihahain nitong nakaupo. Ang patuloy na pagkauhaw natin sa paulit ulit na bagay, unti-unti darami ang tambak na problema para magkaroon ng tambak na basura. Kasama ang akala nating problema. Walang katapusang pagnanasa para sa ating sarili.
“Gusto kong madagdagan ang kulay ng bahaghari… matagal ko nang ginawa.”
“Gusto kong madagdagan ang kulay ng sapatos… bukas nga makabili.”
Ang bawat isa sa mundo ang huhulma sa mga naririto. Ang pagkonsumo ng sobra pa sa pangangailangan ay parang tae, ilalabas din ng katawan pagkatapos magamit ang sustansya.