Max Balatbat
Opening
Saturday, February 6, 2021
Art Verité Gallery
2C-05 Shops At Serendra, Bonifacio Global City
Taguig, Philippines 1630
“Puta sa ikatlong abenida”
Madilim, masukal, magulo
ito ang eksena sa aming kanto
gabi sa amin ay umaga
na nagmimistulang lugar na palaging may piyesta
dito mga puta ang bida
sila ay nagmimistulang artista
kolorete ang kanilang puhunan
pantakip sa malungkot na nakaraan
buhay sa amin ay mahalaga
katawan ang sagot para ibenta
kung ang pinggan nila ay nais magkalaman
hindi nagdadalawang isip magbenta ng laman
Putang ina ang natural na nakagawian
pero samin may putang lola at putang hija
salin lahi na ang kalakaran
eto ang makulay na madilim na katotohanan
hindi naman talaga sila negatibo
pinasasama lang sila ng isipan mo
mga maling intinuro sayo ng nanay mo
kasabay na ng lipunan na ginalawan mo
naalala ko noon ang reyna ng puta na si amalia
sabi ko ang tanda mo na buti sayo pa ay may tumitira
anim na pu’t lima na siya ng banggitin sakin
ang mga linya tagos puso at sumalamin
Bata ang dumiskarte diyan ay madali
madilim dyan at laseng na ang mga naghahari
“jakol bente, chupa trenta” ang alok
natawa ako sa narinig at napalunok.
karamihan sa atin sila ay ikinukutya
mga babaeng bayaran wala daw kwenta yan
ang tanong ko lang palagi sa aking isipan
sino ba ang may kwenta
mga kagaya mong nagmamalinis pero walang kunsensya?
dahan dahan lang sa pang lalait
baka ikaw mismo kagaya ng puta na nababanggit
gusto ko lang sayo ipaalam
kung gaano kalaki ang puso nila
hindi mo lang alam
mga babaeng bayaran sa lansangan
mga naging bida sa aking kaisipan
oo nga simple lang sila patol sa barya
pero sana bukas matauhan kana
makita ang inspirasyon mula sa buhay nila
ang mga puta sa ikatlong abenida mo makikita.
For more information, email at info@artveritegallery.com