Gazera – Kung Puntod Na Ang Bukirin

Hacienda Luisita Massacre 10th Year (HLMX) Music Video Tribute

Produced by: Luisita Watch

MOLOTOV Pilipinas

in collaboration with:

UMA
AMBALA
ULWU
TaBaKK
Anakpawis
KMP
KMU
Sinagbayan
Ugat-Lahi
Anakbayan
One Dash Zero cinetools

 

LYRICS

“KUNG PUNTOD NA ANG BUKIRIN”
by GAZERA

kung punebre yaring mga awit
sa suyuan ng magbubukid
at ang tula nila ay dalit
ng pasakit sa tanang panggigipit;
aguniyas ang dupikal na himig
nitong nangagluluksang mga karit!

kung puntod na yaring bukirin
ng lupang dati’y linang ng alipin
at pilapil ang s’ya ngayong hilahil
na tahak ng patubig ng luhang pigil
ang pag-agos sa libingan ng martir;
pula ang bigas na ani ng taksil!

(chorus:)
humihinga ang lupa
humihingi ng katarungan
bumubulwak ang dugo sa haciendang libingan
bumubuhay ay tubo at tubo
humihinga ang lupa
humihingi ng katarungan
bumubulwak ang dugo sa haciendang libingan
ng krus at punglo

kung pa-purgatoryo na yaring bagnos
at pyudalismo’y hila ang paragos
na karga’y bangkay ng mga hikahos
na magsasakang sa dusa ay lipos;
mga naulila na ang lulubos
sa lupa’y babawi, sa laya’y tutubos!

(repeat chorus)

(rap verse)
may napapansin ka ba sa sitwasyon ng ating bayan
ating mga kahilingan nabibigyan ba ng katuparan
nasa’n ang sinasabing daang taon nang kalayaan
kung hanggang ngayon ang bayan ay hawak ng dayuhan
mabilis na kalimutan parang petsa sa kalendaryo
kapag ang hinaing ay usaping pang-agraryo
sa mga kamay na nagmimina ng ginto
ngunit nakakamit lamang ay kapiraso ng tanso
ekonomiya, pulitika, pati ating kultura
tila karapatan na kanilang ‘sinawalang bahala
mauunang magpantay ang ating mga pwersa
bago pumantay ang aming mga paa
mga paa na tinatahak, landas ng pakikibaka
aming kamulatan lalangkapan na ng sandata
mga linya’y papalitan ng mga papasulong na bala
kasabay sa himig ng nalalapit na paglaya

(bridge/birit part:)
umaagos sa patubig ang luha
tumatangis ang mga pilapil
puntod na ang hacienda
masaker ang nakaukit sa lapida

lupa’y babawiin, laya’y tutubusin
lupa’y babawiin, laya’y tutubusin
lupa’y babawiin…
laya’y tutubusin…