Friday, February 20
at 7:00pm
The Warrior Poet Art Cafe
64C Cubao Expo, General Romulo Ave., Socorro, Cubao, 1109 Quezon City, Philippines
Bakit may Shirt Show? At ano nga ba, at san ba nagsimula ang Shirt Show?
Alam naman natin na ang sining ay may iba’t ibang kategorya, at may iba’t iba ring paraan upang magpahayag ng mensahe. Ang layunin ng Shirt Show ay maipakita sa madla na ang pag-imprinta ng mga iba’t ibang disenyo sa tela ay isa ring klase ng sining na napapanahon. Ang sining ay hindi lamang sa gallery makikita, kungdi ay naisusuot din ng mga tao, at napapalawak ang isipan ng mga tumitingin at humahanga sa mga ito.
Sa eksibit ng Shirt Show, ang mga kalahok na artist ay makakapag presenta ng kanilang mga ginawa at kasabay noon ay makakapag benta sila ng mga t-shirt na kung saan ay naka-imprenta ang kanilang disenyo. Maaaring mabili ng mga dadalo ang kanilang mga nagustuhang disenyo, at kapag ito’y suot-suot sa bawat araw ay naipapamahagi nila sa ibang tao ang kagandahan ng gawa ng mga artists.
Ang Shirt Show 2 ay katulad ng sinundan nitong matagumpay na eksibit na Shirt Show, na unang naisagawa sa Kanto Run-Space Art Gallery sa The Collective noong Disyembre ng 2013.
Ito ay gaganapin sa The Warrior Poet Art Café, Cubao Expo, Quezon City, sa ika-20 hanggang 22 ng Pebrero, 2015.
SUOT MO ART MO!
RSVP:
https://www.facebook.com/events/1542366716038475