Ang Aklat Bilang Entablado

 

Nobyembre 19, 2022 | 7 PM
Balanghay Productions
Website     Facebook     Email

 

Entablado ring iniisip ang pagsasalimbag ng dula. Susubukan naming patotohanan ito. At susubukang buksan ang mga usapin kung dapat nga bang sa pagtatanghal nagtatapos ang lahat ng dula, kung paano dapat na kinikilatis ang dula bilang panitikan, at kung ano ang kakayahan ng paglilimbag na masalba ang talino at kisig ng ating mga mandudula sa maraming panahon. Kung sa mga panahon ngayon na kinakayang ang pagtatanghal ay hindi (muna) naisusulat, tinatanong ng panayam na ito kung kaya rin ba mabuhay ng isang dula na hindi ito naitatanghal? Ngayong sumasabak si Eljay Castro Deldoc sa paglilimbag, paano niya muling inisip ang ang mga dula sa isang pambihirang entabladong ito, sa mga pahina ng isang aklat, na ang kanyang mga tagapanood ay mga mambabasa?

Inaadhika ng Isang Balangay na muling matuklasan ng mga mambabasa ang dula sa pampanitikang anyo nito nang sa gayon ay dumami ang mambabasa ng dula, at makatulong din ito sa paglago ng dula. Hinihikayat din na mabuksan ang posibilidad na masimulan ang paglikha ng mga makabagong anyo ng dula na hindi hinuhugis ng karaniwang entablado kundi ng pahina ng mga aklat.

Si Eljay Castro Deldoc ay tubong Hagonoy, Bulacan, nagtapos ng kursong Communication Arts sa Unibersidad ng Pilipinas-Los Baños, at kumukuha ng MFA in Creative Writing sa De La Salle University. Nakamit niya ang NCCA Writers Prize para sa Dulang Filipino noong 2021. Ilan sa kaniyang mga dula ay naitanghal na sa California, Canada, at Saudi Arabia. Noong kasagsagan ng lockdown dahil sa pandemya, binalikan niya ang pagtuturo sa pamamagitan ng Dedels Playwriting Workshop. Siya ay miyembro ng Writers Bloc Inc. at isa sa mga tagapagtatag ng Tabsing Kolektib. Nagsusulat din siya ng mga tula, snaysay, teleplay, at kuwentong pambata.

Samahan ninyo kami para pag-usapan ang mga ito sa panibagong paglulunsad online ng aklat na Pilipinas kong Mahal with All the Overcoat ni Eljay Castro Deldoc sa ika-19 ng Nobyembre 2022, ika-7 ng gabi. Ang mga panayam ay nahahati sa dalawa, ang una ay tungkol sa kung paano itinatanghal ang mga dula ni Deldoc, at ang ikalawa ay tungkol sa kung paano binabasa ang mga dula ni Deldoc bilang panitikan. Para po makasali sa talakayan, mag-register po lamang.

Magrehistro na!

Kung nais ninyong makasama sa pagtatalakay, makipag-ugnayan lang po sa balangay.productions@gmail.com. Kung nais makakuha ng impormasyon tungkol sa aklat, puntahan lamang ang link na ito: bit.ly/pilipinas-overcoat. Sa mga nais makabili ng kopya ng aklat, puntahan lamang po ang link na ito: lazada.com.ph/s.5IfNv.

Marami pong salamat.