BAKATA: Battle of the Street Poets

150508_bakata

 

Ang kwento ay umiinog sa premisiyang ang Balagtasan ay hindi namatay sa Sosyo-Kultural na aspeto ng lipunang Pilipino, bagkus ito lamang nag bagong anyo at balat sa porma ng rap, cypher, spoken word, at lyrico ng artistang masa.

Ito ay kwento ng mga batang may taglay na apoy sa damdamin. Apoy na babago sa takbo ng kanilang pamumuhay at sa kanilang ginagalawang komunidad. Magkakapatid na lumaki sa pamilyang ang kinabubuhay pagkapit sa patalim. Isang pa- Contest ng baranggay Talents ang gaganapin sa Lupang Pangako,Metro Manila. Isa sa mga kalahok ang mabibigyan ng umaatikabong tatlong Milyong Piso sa mananalong Contestant. Lingid sa kaalaman ng mga tao sa Baranggay.

Ang Tatlong Milyong pisong pabuya ay pakana lamang ng isang sabwatan sa pagitan ng Gobyerno, at Isang malaking Negosyante, upang unti-unting mahulog ang loob ng mga bata at mga taong bayan sa isang madilim na pakana. Habang ang lahat ay abala sa pagsasanay ng kani- kanilang mga pakulo at palabas, masisilip ang tunay na lagay ng mga batang kalahok , at kung papaano sila pilit i- tulak ng kanilang mga magulang upang makuha ang premyong makpagpapabago sa kanilang buhay.

Sa kasagsagan ng Patimpalak kung saan halos lahat ng mga tao sa baranggay ay naipon sa isang munting plaza, isang sunog ang biglang sumiklab at tumupok sa lahat ng kabahayan at ilang mga buhay.

Kung matatapos na rito ang kwento o pagkatapos ng siklab ay may isa pang liyab na aalab, Alamin. Ito ay isang eksperimento.

BAKATA: Battle of the Street Poets
May 8, 9, and 10. ‪#‎TiuTheater‬