Isang Webinar
Zoom & Facebook Live
Agosto 16 (Lunes, 1-3:30 NH)
The UP Repertory Company
Inihahandog ng the UP Repertory Company, kasama ang UP Diliman Opisina ng Tsanselor sa pamamagitan ng Office of Initiatives for Culture and the Arts UP Diliman OICA, PNU Katalonan, at GIRL SCOUTS OF THE PHILIPPINES. Katuwang din ang National Commission for Culture and the Arts at ang Tagapamahalang Konseho ng GAMABA, Anakbayan UP Los Baños, UP Junior Social Workers’ Association of the Philippines, UP Physics Association at UPLB Writers’ Club.
Bilang kaakibat ng produksyong “Hilot” ng The UP Repertory Company, idaraos ang isang webinar upang magbaliktanaw sa mga taal at tradisyunal na paghilom lalo ngayong panahon ng malawakang karamdaman.
Layunin ng “Baliktanaw sa Albularyo, Babaylan at Hilot” na muling matuklasan ang mga batayang kaalaman sa tradisyunal na panggagamot sa ating bansa at ang kahalagahan nito sa kasalukuyang kunteksto ng pandemyang COVID-19. Inanyayahan ng UP Rep ang mga nananaig na albularyo, babaylan, hilot at mga iskolar ng tradisyunal na panggagamot.
Bahagi din ito sa mga promosyon para sa produksyon ng UP Rep na “Hilot” na may 5 bahagi ng pagsasalaysay ng mga siglo sa perpektiba ng mga manggagamot sa bansa. Ang “Baliktanaw” ay akademikong kaakibat ng produksyon bilang pagpapahapyaw din sa mga naratibo ng dula.
Ang Mga Tagapagsalita
Ensha A. Ancheta
Manghihilom mula sa Ensha Wellness Hub
Guro Tashi Zangpo (Joemar Obejas)
Shaman, martial artist, spirit scientist, at tagapagtatag ng Lakbay sa Diwa Healing Ceremonies
Dr. Michael L. Tan
Medical anthropologist at professor emeritus mula sa UP Diliman Department of Anthropology, at dating tsanselor ng UP Diliman (2014-2020)
#HilotOnline
#Hilot2021
#UPREPAtrasAbante
#UPREP48ANTE
#UPRepAbante