Barberya Ni Santino

Crossroads 16

 

 

May 16, 2019 | 1 PM & 7 PM
6/F Black Box Theater
De La Salle-College of Saint Benilde, School of Design and Arts (SDA) Campus

 

Barberya Ni Santino: Ang Pagsasadula ng Pangalawang Pagkakataon

Sugat na nakabaon sa nakaraan,
sa pangalawang pagkakatao’y maghihilom ba ng tuluyan?

Marahil ay marami sa atin ang humihiling ng pangalawang pagkakataon, ngunit marahil ay kasing dami rin nito ang hindi nakakalimot sa pighati at sugat na na-idulot ng nakaraan.

Bilang pagbibigay buhay sa kuwento ng pangalawang pagkakataon, isasalaysay ng isang ama sa anak at ng anak sa ama ang pighating dinanas at tiniis ng sugat na naiwan ng huli nilang pagkikita. Ito’y maghihilom ba, o ito’y mananatiling sariwa?

Ang Dulaang Filipino, sa patnubay ng Office of Culture and Arts, ay muling magbibigay daan upang itanghal ang isa sa mga kalahok ng Crossroads 16 – “Ang Barberya ni Santino” sa panunulat at direksyon ni Bien Ignacio.

Bilang kalahok sa Crossroads 16, ang taunang theater festival ng De La Salle-College of Saint Benilde na inimuntar ng Dulaang Filipino, nais iabot ng dula na ito ang halaga ng pangalawang pagkakataon, lalong lalo na sa pamilya.

Ang Barberya ni Santino ay bukas sa sino mang ibig manood nito. Ang produksyon na ito ay itatanghal sa Mayo 16, 2019 ng 1 PM at 7 PM. Ito ay magaganap sa 6/F Black Box Theater, De La Salle-College of Saint Benilde, School of Design and Arts (SDA) Campus.

Para sa iba pa’ng mga karagdagang tanong, maaari ninyo kaming i-kontak sa email,  allonajessica.jadera@benilde.edu.ph o tumawag sa (0915) 225 2937.

(Isinulat ni Jofamil Sevilleno)