Bisperas ng Isang Dekada, Danum magdadaos ng Kumperensiya sa Malikhaing Lungsod ng Baguio

Sa taong 2025, 10 taon na ang pagdaraos ng kumperensiya ang Danum (Dalubhasaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral ng Araling Filipino) ng Pamantasang De La Salle (DLSU) na nagsimula noong 2015 sa Corregidor kasama ang mga gradwadong mag-aaral ni FPA Demeterio III. Ngayong Mayo 30 hanggang Hunyo 1, ang ika-pitong Pandaigdigang Kumperensiya sa Asian at Araling Filipino: Wika, Kultura at Midya sa 456 Hotel Le Grande, Baguio City.

 

 

Maari nang magpasa ng mga abstrak tungkol ngunit hindi limitado sa Asia at/o kultura, wika, at midya sa Pilipinas. Nakasulat sa Ingles o Filipino, mayroong 300-500 salita (introduksiyon, buod ng resulta at konklusyon). Ang 7th Danum International Conference ay hybrid, parehong face to face at online ang pagdalo dito sa Creative City of crafts and folk arts ng Baguio.

Inaasahang huling araw ng pagsusumite ay sa Marso 31, kasabay nito ang maagang pagpapatala. Habang sa Abril 30 naman ang regular na pagpapatala at sa Mayo 15 ang huling pagpapatala.

Pinapaala ng mga nag-organisa ng kumperensiya, ang pagpapatala para sa face to face mode ay kasama sa bayarin ang sertipiko, kit, umagahan, tanghalian, meryenda at networking na hapunan. Hindi kasama sa pagpapatala ang akomodasyon, biyahe at pagsama sa gastronomic at pagsuroy sa mga lugar na pamana.

Ang Danum Conference ay hatid ng DLSU College of Liberal Arts, DLSU SALITA (Sentro ng Pagsasalin, Intelektuwalisasyon at Adbokasiya) at Andrew Gonzales Philippine Citation Index. Patuloy ang Danum sa tradisyon ng marubdob na talakayan, pangmatagalang ugnayan at pagkakaibigang bukas sa iskolarship sa kapuluan.