News:
Child actor Nash Aguas lends his voice in the animated film "Dayo"
Rose Garcia
Wednesday, December 17, 2008
10:05 AM
|
"Yung mga cartoons po, napapanood ko po,
iniisip ko po kung sino yung mga nagbo-boses. Tapos po, ngayon, ako po yung
magbo-boses kaya excited po ako na magawa ko po ito," says child actor Nash Aguas.
Noel Orsal |
Ang boses ng child actor na si Nash Aguas ang ginamit para
sa character ni Buboy sa animated film na Dayo: Sa Mundo ng Elementalia, na
entry sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF). Hindi naman daw nahirapan si
Nash dahil hindi kinailangang baguhin ang boses niya katulad ng
ibang characters sa pelikula.
"Excited po ako, tapos first time ko pa po," sabi ni Nash sa
PEP (Philippine Entertainment Portal). "Yung mga cartoons po, napapanood ko po,
iniisip ko po kung sino yung mga nagbo-boses. Tapos po, ngayon, ako po yung
magbo-boses kaya excited po ako na magawa ko po ito."
Naruto at Ben 10 daw ang paborito niyang cartoons or anime
na pinapanood.
Hindi na raw dumaan si Nash sa audition to dub the voice of Buboy. In a way, feeling daw niya ay nakaka-relate din siya sa character na binigyan
ng boses.
"Parehas kasi kami na matatakutin sa mga manananggal, sa mga
multo," banggit ni Nash. "Tapos po, yung pagiging makulit. Kaya lang po, yung
walang bilib sa sarili, siguro yun. Si Buboy po kasi, wala po siyang bilib sa
sarili. Nang magpunta lang po siya ng Elementalia, noon lang po siya nagkaroon
ng bilib sa sarili."
Hindi naman daw siya nahirapan na maging voice talent.
"Hindi ko naman po kasi iniba ang boses ko, unlike yung iba
po. Kaya po hindi naman po ako masyadong nahirapan. Actually, bago po
talaga ko magpunta sa recording, kinakabahan po akong talaga. Yun po pala, yung
boses ko lang po pala talaga ang babagay kay Buboy," lahad ng child actor.
Wish ni Nash na sana raw ay panoorin ng marami ang Dayo.
Kung siya ang tatanungin, ano sa palagay niya ang dapat
abangan ng mga manonood para ang pelikula nilang Dayo ang panoorin
among all the filmfest entries?
"Sana po, manood po sila ng Dayo dahil first digital
animated movie po ito ng Filipino po. Sana po, panoorin naman nila ang
gawang Filipino. At sana po, panoorin po nila dahil pinaghandaan po talaga.
Pinaghirapan po ito 24 hours kaya maganda po talaga ito," saad ni Nash.
HEIGHT MATTERS. Sa press conference ng Dayo sa Ratsky's Bar sa Tomas Morato
last Thursday afternoon, December 11, napansin ng entertainment press na tila
hindi masyadong tumatangkad si Nash magmula nang manalo siya sa Star Circle
Kid Quest noong 2004.
Pero dinepensahan naman ng child actor agad ang observation
sa height niya. "Hindi naman po. Tumatangkad naman po ako, e. Dati po,
3'11" lang po ako or 3'10", pero ngayon po, nasa 4'3" na po ako," sabi ng 10-year-old child actor.
Hindi ba siya natatakot sa sinasabi ng iba na kapag
nag-aartista ang bata, kadalasan ay hindi sila gaanong lumalaki?
Kuwento ni Nash, "Sabi po ni Kuya PJ, ni Kuya Piolo Pascual,
noong siya raw ay 10 years old, maliit lang din daw po siya. Pero noong
nag-circumcise na raw po siya, tumangkad na raw po siya agad.
"Natutulog naman po ako ng 10 hours. Natutulog naman po ako
ng kumpleto!" natatawa niyang sabi.
Pero kahit bata pa lang si Nash, mukhang may sariling taste
na siya when it comes to girls. In fact, buong-ningning nitong inamin na ang
crush daw niya ay si Cristine Reyes.
"Nakasama ko na po kasi siya sa Banana Split, maganda po
talaga siya!" nakangiting pag-amin niya.
Mahilig pala siya sa mapuputi? "Opo," nahihiya niyang sabi.
Kakatapos lang daw niya ng Lobo kaya wala pa siyang
follow-up project sa ABS-CBN. Pero mapapanood daw siya sa movie
nina Piolo Pascual at Angel Locsin, ang Love Me Again.
|