“Kusina ng Talinghaga” Webinar

Magkakaroon ng Webinar ang “Kusina ng Talinghaga” tungkol sa Panulaang Filipino tampok ang mga manunulat at reaktor mula Norte, Mindanaw at Visayas maging labas ng PIlipinas

 

 

Sa darating na Marso 19, titipunin ng Kusina ng Talinghaga, Diskurso ng Kaluluwa at Sikumura ang mga premyadong makata at manunulat sa “Pagbabahagi at Pagsusuri sa Panulaang Filipino.” Maaaring Buwan ng Kababaihan ang Marso at ang Buwan ng Panitikan ay sa Abril pa, mas maaga ang Kusina ng Talinghaga sa pagbibigay-pugay sa panitikang Filipino.

Ang mga tagapanayam na kasama sa talakayan sa zoom ay sina Niles Breis ng Pambansang Komisyon para sa Sining at mga Kultura)  NCCA Literary Arts, Bomen Guillermo ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Center for International Studies at Joey Baquiran Jr ng UP Institute of Creative Writing.Kasama rin sina Luna Sicat Cleto ng UP ICW, Adrian Medina Pregonir mula sa Southern Mindanao, Tomas Agulto, tagapamahala ng Kusina ng Talinghaga at Ester Vargas Castillo nasa Dubai United Arab Emirates na makata,manunulat.

 

 

LIban sa mga manunulat at makata mula sa Pilipinas at labas nito, may mga premyadong reaktor din kagaya ni Dr. Janet Solis, Zamboanga Peninsula Polytechnic State University, Dr. Anessa Mangindra, Sultan Kudarat State University at  Dr. Divina Sheila De Los Arcos, North Eastern Mindanao State University mula sa Mindanao. Mayroon din mula sa Norte at Visayas, tulad nina

Dr. Renantte Malagayo, Don Mariano Marcos Memorial State University, Dr. Myra Catungal, Pangasinan State University, Dr. Geraldine Rebamonte, Cebu Normal University at Dr. Aldwin Amat, Leyte Normal University.

 

 

Habang si William Nucasa ang magsisilbing guro ng palatuntunan at  tagapamahala, Kusina ng Talinghaga. Ang nasabing pagbabahagi ay para sa mga nagpapakadalubhasa sa Filipino, guro sa Filipino, mga baguhang manunulat, magkakaroon ng pagtalakay at pagsusuri sa panulaang Filipino ngayong buwan ng Marso mula 8:00nu hanggang 5:00nh sa pamamagitan ng zoom platform. May karampatang butaw na 150php para sa mga guro at propesyonal habang 100php naman sa mga mag-aaral at iba pang may interes sa panitikang Pilipino. Maaaring makipag-ugnayan kay Joshua Marie Palabay sa mobile 09455906593 tungkol sa pagbabayad sa Gcash at sa mga karagdagang detalye, puwedeng magpadala ng sulatroniko: KusinaNgTalinghaga2023@gmail.com