LikhAGOS (Likhang Agos)

Kompetisyon sa Paglikha ng Komiks

 

 

Tulad ng pagbabalik tanaw sa kagandahan ng Ilog Pasig, magbalik tanaw din tayo sa dating paboritong libangan nating mga Pinoy. Ang komiks!!!

Kasabay ng selebrasyon ng Wikang Pilipino, tayo’y lumikha ng isang maiksing kuwentong komiks gamit ang sarili nating wika.

Ang tema ay maaring kuwentong pag-ibig, alamat, kuwentong bayan, pantasya man o makakatohanan – basta binigyang inspirasyon at nakalugar sa ating Ilog.

Kahit sinong amateur na manunulat at ilustrador, indibidwal man o isang team ay maaring sumali.

Gawin lang ang mga sumusunod:

1. Lumikha ng komiks na inspirado ng temang “Ilog Pasig: Balik Tanaw, Balik Sigla!” Ang haba ay dapat hindi lalagapas ng sampung pahina .

2. Ipasa ang komiks (naka-PDF) kasama ang entry form, kopya ng valid ID, at maikling deskripsyon ng komiks sa email address nccatagaalog@gmail.com. Maaari ding ilagay sa CD o USB flash drive and komiks (naka-PDF) kasama ang entry form, kopya ng valid ID, at computerized na deskripsyon ng komiks at ipasa sa Taga-Alog Secretariat, PETA Theater Center, No. 5 Eymard Drive, New Manila, Quezon City.

Ang deadline ng pagpapasa ng komiks ay sa Agosto 30, 2018.

Ang manlilikha ng mananalong komiks ay makakatanggap ng premyong P50,000!

Para sa karagdagang impormasyon, mag-email sa nccatagaalog@gmail.com o magpadala ng mensahe sa aming opisyal na Facebook page (http://www.facebook.com/TagaAlog2018).

_____________
Ang LikhAGOS ay bahagi ng TAGA-ALOG 2018 na proyekto ng National Commission for Culture and the Arts kasama ang Philippine Educational Theater Association (PETA).

#LikhAGOS #NCCATagaAlog2018 #TagaAlog2018