Tuloy na tuloy na ang culture and arts festival sa darating na Agusto 30 hanggang Setyembre 2 sa paggitan ng Buwan ng Wika maging ng Kasaysayang at creative industries month. Sa pagtataguyod ng Union Locale, Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque, Kagawaran ng kalakalan at Industrya at Alitaptap Artist Village ang Likhai Art Exchange. Tampok ang hindi bababa sa 14 palihan para sa traditional, digital, art show at musika.
Ayon sa Union Locale, “Through August 30 to September 2, there would be following workshops involving local artists, students and creatives: installation art, sculpture, painting, sound art, mural painting, cultural and music performance, classical guitar, theater, poetry, photo and video event coverage, content creation and documentary filmmaking, short film, digital graphic and design with digital modern comics.”
Samantala ang pinakang mahalagang tema ng art exchange ay “celebrating the diversity of Marinduque’s artistic talents.” Nakasaad sa social media site ng Likhai Marinduque, “it features a series of artist talks from some of the most influential and innovative voices in the industry. In addition, there be a series of simultaneous workshops for local participants to get hands-on experience and practical skills. The program flow is designed to maximize learning and networking opportunities.”
Ilan sa mga artist at creative na kasama sa mga magpapadaloy ng apat na araw sa Agosto at Setyembre ay ang mga sumusunod: Bokeng Ancanan, AJ Manuel, Dennis delos Santos, Jon Romero, AG Saño, Joren Lansang, Bobby Balingit, Arden Tuazon, Soliman Cruz, Titik Poetry, Thal Ruin Photography, Khalil Versoza, Arvin Belarmino, Verlin Santos and Johnny Paradox and Tonio Maicon. Habang kasama naman sa mga kinatawan ng local artists at creatives mula sa Marinduque kagaya ng Marinduque Artists, Litera Club, Santa Cruz Artists with Marinduque Island Ambassador kasama ang Hearts Council.
Ang Likhai Marinduque ay naging possible dahil sa suporta ng Rotary Districts at clubs sa Marinduque, tanggapan ng Provincial Administrator, at district office ng kinatawan ng Marinduque sa pakikipagtulungan ng Marinduque State College at Marinduque National High School.