March 27 – May 3
Cultural Center of the Philippines
Roxas Boulevard, Manila, Philippines
May tinataglay na kapansin-pansing pagka-alanganing biswal ang mga larawan na kuha ni Gino Javier. Marahil ito ay mula sa mga pagmumukha at mga postura ng mga karakter na hindi handang makuhanan ng litrato. Maari ring dahil ito sa kawalan ng mga pagpapalamuti o pagsasa-ayos na kinakailangan upang maging maganda ang mga ito kahit para lamang sa Instagram. Ang mga katangiang ito ay nagbibigay sa kanila ng dating ng pagiging makatotohanan, kasing tunay ng isang ebidensyang kayang magpatunay sa isang krimen. Ang kamerang tinatangan na mistulang isang nakatagong baril ang pinakamainam na sandata para sa ganitong trabaho. Kailangan lang itong itutok at kalabitin hindi upang pumatay kundi para mag-iwan ng mga kopyang tatagal ng mahabang panahon.
Ang ganitong disakarte ay may pagkakahawig sa diskarte ng isang papparazzi. May mga kaunting pagkakaiba lamang ito sa ilang mga bagay. Para sa isang papparazzi, layunin niyang patagong makakuha ng mga litrato ng mga artista at iba pang sikat na tao para gamitin sa mga negosyo na ang binebenta ay tsimis. Para kay Javier, ito ay ang mga karaniwang taong abala sa kanilang sariling buhay na kanyang natatagpuan kung saan man lugar siya mapadpad. Hinugot niya ang kanilang mga kawangis mula sa tuloy-tuloy na pag-ikot ng mundo upang makalikom ng mga bahaging maaring makabuo ng representasyon nito; ayon sa kung paano niya ito nakikita. Ang mga larawan ay ipinagtangi-tangi sa mga pangkat na nagtataguyod ng pag-uuri ng iba’t-ibang katayuan sa loob ng ating sinasabuhay na konteksto. Pinamagatan ang bawat obra ng mahahaba at mahirap maunawaang mga laro sa salita na hango sa mga kilalang Filipinong kasabihan at ekspresiyon. Kung itututring natin silang mga captions, maaaring masabi na walang balak ang mga gawang ito na maglahad ng isang maaasahan at malinaw na paraan ng pagtingin sa daigdig. Bagkus, ipinapakita nila kung paano natin ito kadalasang nararanasan: mahirap maintindihan, nakakabagot at punung-puno ng kontradiksyon at iba’t-ibang manglalaro.
Hindi mapagkakaila na ang mga larawan ay mayroong anyong pisikal. Ang mga pinipiling desisyon sa sukat, pagkakalapat at pagkakalimbag ay may kinalaman din sa paggawa ng mga kahulugan bukod sa kung ano ang linalarawan dito. Mapapansin na ang kanyang mga gawa ay nakalagay sa mga bagay na ginagamit bilang pabalat ng mga produkto, billboard, poster atbp. Mga format na angkop sa malawakang paggawa at pagpapakalat ng mga komersyal na imahen.
Ang dalawang aspeto ng kaniyang mga obra ay masasabing magkasalungat sa bawat isa. Ang mga mapang-akit na mga larawan at ang kanilang mga pangako ay pinalitan ng mga hango sa araw-araw na siya namang nababago sa iba’t ibang paraan dahil sa materyal na kanilang kinalalagyan. Hindi maiiwasang sumagi sa isipan ang pamagat ng eksibisyon na ito: ‘Maghahalo ang Balat sa Tinalupan’, ngunit mukhang pinag-ibayo pa niya ang pagkakahalo nang kanyang pinagsama ang dalawang aspetong nabanggit na kadalasang itinuturing na hindi angkop sa bawat isa. Kaya marahil ang mga tao, bagay o hayop na ating maaninag ay mistulang mga multong nakakulong sa loob ng mga pakete at patalastas. Ang pamagat ay isa ring ekspresiyong idyomatiko na tumutukoy sa hindi mapipigilang paglaganap ng kaguluhan kapag naabot ang isang sukdulan. Ito ay ginagamit bilang babala para iwasang gawin o mangyari ang isang bagay. Kung iisipin natin, hindi kaya sinusubukan ng mga larawan na tayo’y balaan na ang ating kasalukuyan at pinagsasaluhang kalagayan ay maaaring gumuho kahit anong oras? O kaya ang mga ito ay produkto ng pagtatangkang gumawa ng mga artefacts para sa mga makakaligtas sa napipintong ngunit ‘di inaasahang pagkagunaw sa hinaharap?
-Mark Sanchez
_________________________________________________
There is a certain sense of visual awkwardness that pervades throughout Gino Javier’s photographs. Perhaps it is due to the oblivious, preoccupied or startled faces and candid postures their subjects have. Maybe it is because of the noticeable lack of the pretensions and editing necessary to make an image appear picturesque or even just interesting enough for Instagram. Regardless of where it may be found, it gives them an air of being factual – as truthful and informational as incriminating evidence. A camera held like a hidden gun is the perfect tool for this kind of job, just aim and then fire. They are not quite dead, only immortalized unwittingly.
This approach is very much akin to that of a paparazzi except for a few things. There is a difference in their choice of prey. For the latter, the game primarily consists of the figureheads of mass media machineries. As for the former, these are the everyday ordinary people busy with their own businesses which he manages to find everywhere he goes. Another is that a paparazzi’s photographs has this express utility of being fed to celebrity halls of shame. What about these slices of time taken from the everyday?
By taking photographs of these nameless folks (pets and a few things), they are separated from our reality as its discrete study samples. These are then sorted into groups that seem to be less an attempt to form narratives as to establishing and putting together general types. Their individual titles are lengthy, eccentric wordplays using well-known Filipino sayings and expressions that verge on the nonsensical. If they are to be considered as captions of some sort, then it is difficult to see them as pictures that would try to make it easier for us to perceive a stable and coherent world-view. It is rather a collection that depicts it as it is: utterly incomprehensible, usually boring and full of contradictions and various participants.
Photographs are also physical objects. Preferences and considerations on scale, formats and printing methods among others can influence our reading as much as what is depicted on them. One characteristic of particular note among Javier’s works is that they are printed on surfaces that call to mind packaging, billboards, posters, flyers etc. -print formats that imply distribution and reproduction of images on a wide commercial scale. These two facets cause a latent contradiction. Idealized images and their promises are replaced by matter-of-factly ones (of the non-spectacle sort) which either get altered, obscured or exaggerated as a consequence of the same material that support them.
This kind of idiosyncrasy echoes this exhibition’s title, ‘Maghahalo ang balat sa tinalupan’. If translated, it literally means: peelings are going to get mixed up with the peeled fruit. But it seems as though that he pushed it a bit further by superimposing two aspects (i.e. materiality and depiction) each of different and conventionally incompatible sorts. We end up seeing spectres of lives and events in a standstill trapped within bleak packaging and adverts. The phrase above is also an idiomatic expression that pertains to an unavoidable ensuing of catastrophe once certain thresholds are reached. It can be used as a threat about something that one should always be apprehensive of. Could it be then that these works try to warn us about the precariousness of our everyday lives as they are lived against the background of circumstances such as our own? Or are they manifestations of an attempt to create future artefacts for survivors of an inevitable and imminent apocalypse?
-Sanchez, Mark
RSVP:
https://www.facebook.com/events/631095786989935