Maligaya Kaleidoscope

(Ang Paglalakbay ni Juan Isip)

Solo Exhibition of Bobby Balingit

 

 

Opening
November 13, 2020 | 3 PM
SOLID Art Space 
Alitaptap Artists Community, Purok 7 Barangay Halang, Halang – Alingaro Rd., Amadeo 4119 Cavite

Facebook

 

Ang “Paglalakbay ni Juan Isip” ay kwento ni Maligaya at Sinagtala. Mga pangunahing karakter sa kwento , o ikatlong nobela sana ni Jose Rizal. Hindi natapos ni Rizal ang kwento dahil sya ay napatay na.

Mula sa aklat:

“Maingat na ibinigay ni Kamandagan sina Maligaya at Sinagtala kay Apo Juan Hara at pinakisuyo naman kay Juan Isip. Nanirahan sina Maligaya at Sinagtala kay Lola Diwa na apo ni Juan Isip.

Nakapag-aral si Maligaya hanggang grade two, sa pamamagitan ng pagsilip lamang sa butas ng dingding ng paaralan.
Maligaya Kaleidoscope , ang tawag ko kay Maligaya dahil sa pagsilip nya sa butas ng dingding ng paaralan.
Kaleidoscope ng buhay… Kulay ng walang panahon, mananatili,.. mananatiling lihim… Ang Mona Sisa ng panaginip.

 

Ang exhibit ay mga obra ng mga nawaglit na dahon o pahina ng kwento. “Ang saysay ng kasaysayan.”

 

“Sa paglikha ko ng sining mula mga awitin, kwento, hanggang sa visual arts ay napananatili ko ang tila batang naglalaro . Tapat na pumapaloob sa kung sa ano mang dimensyon ako nito dalhin. Ang “MALIGAYA KALEIDESCOPE” ay ang pagbalik sa kabataang naglalaro ng tig- sisingkong Kaleidoscope na nabibili ko sa tindahan nuong ako ay nasa elementarya pa lang. Magpasahanggang ngayon ang mga alaala ng mga kulay , pigura na nasisilip ay sariwa pa rin sa alaala. Ang tila pagtakas sa kasalukuyan at paglipad sa hinaharap na walang bitbit na pag-aalala.”

– juan pangk