Para sa Mga Hiyas ng Sineng Filipino ngayong buwan ng Nobyembre, inihahandog ng Tanghalang Metropolitan sa pakikiisa ng ABS-CBN Film Restoration at ABS-CBN Film Productions Inc. (Star Cinema) ang digitally restored and remastered na pelikulang Patayin sa Sindak si Barbara na isang classic psychological horror film na ipinalabas noong taong 1995 na isinulat ni Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Brodkast, Ricardo “Ricky” Lee at sa direksyon ni Chito S. Roño
Ang pelikulang ito ay pinagbibidahan nina Lorna Tolentino (Barbara), Dawn Zulueta (Ruth) at Tonton Gutierrez (Nick). Kwento ito ng magkapatid na babaeng sina Barbara at Ruth. Dahil sa lubos na pagmamahal ni Barbara sa kanyang nakababatang kapatid na si Ruth ay ibinigay nya ang bawat kapritso nito. Ipinaubaya ni Barbara pati ang kanyang pag-ibig kay Nick para sa kaligayahan ni Ruth. Matapos ikasal si Ruth at Nick ay nagsimula ng bagong buhay si Barbara.
Pagkaraan ng ilang taon, nakatanggap ng balita si Barbara sa biglang pagpapakamatay ng kanyang kapatid. Sa pagbalik ni Barbara ay nagsimula ng maganap ang mga nakagigimbal na pangyayari at tila pinagmumultuhan ang bahay.
Mapapanood ang pelikulang ito sa ika-20 ng Nobyembere, sa ganap na ika-2 ng hapon sa Tangahalang Metropolitan.
Huwag palampasin ang pagkakataong makapanood ng libre!
Magpatala lamang sa ibaba: