Boac, Marinduque – Ang Bila-bila (Butterfly) Street Dance and Presentation ay isasagawa sa darating na Martes (Mayo 30) ng alas-tres ng hapon sa Boac Moriones Arena kung saan mayroong apat na kalahok mula sa iba-ibang institusyon sa lalawigan.
Ang mga kalahok ngayong taon ay mula sa Marinduque National High School, Marinduque State College, Municipality of Buenavista at Marinduque Alliance of Butterfly Permittees. Ayon sa mga guidelines at mechanics mula sa Boac Tourism Culture and Heritage, hindi bababa sa 25 ang kalahok at hindi naman lalampas sa 50 miyembro kasama ang mga mananayaw, props at musikero.
Ang dance choreography at galaw o sayaw ay kinakailangan naglalarawan ng metamorphosis ng bila-bila. Dagdag pa tungkol sa musika at sayaw ay may tema/ konsepto na nakapaloob sa ordinansa ng Boac. Ang bawat contingent ay makatatanggap na 100,000 bilang incentive sa pagtatampok at pagpapasigla ng butterfly industry nasa diwa ng Local Tree Planting at Butterfly Propagation Ordinance.
Kaugnay nito, nagsimula na rin ang patimpalak sa pagpupuni ng mga paligid, mula noong Mayo 27 hanggang 30 sa Barangay Murallon, San Miguel, Isok 1, Mercader, Malusak at Tampus. Ang unang gantimpala ay mananalo ng 25,000, ang 1st runner up ay 20,000, and 2nd runner up naman ay 15,000 at ilang consolation price na 3,000 habang lahat ay makakukuha ng bila-bila frame product.
Bago ang pandemya ay idinaraos ang Bila-bila festival bilang bahagi ng linggo ng muling pagkakatatag ng Boac at bilang parangal sa kapistahan ng Imakulada Konsepsyon tuwing Disyembre 8. Simula noong nakaraang taon, nagdiriwang ang bayan ng Boac ng Quadricentennial o 400 na taong