Itong nakaraang Marso 6, nagbukas muli ang pagkakataon para sa mga Island Changemakers at Ambassadors para makakuha nang libro online na kurso tungkol sa Islands of Innovation. Bilang bahagi ng Island Innovation Ambassador program ngayong taon, malaking tulong upang magabayan ang mga bagong talagang mga Ambassador.
Nagkaroon ng info-session ang Island Innovation, siyang creative agency na nangangasiwa sa nabanggit na Ambassador program para sa mga isla at kapuluan. Kasama ng Island Innovation ang Interreg Europe na gumawa ng toolkit sa paggamit ng TIPPING o The Innovation Program Perspective for the New Governance of Islands.
Batay sa Island Innovation, ang TIPPING, “as creative tool strives to contribute to governance innovation on islands and similar (more or less) isolated areas following the Islands of Innovation Model. This model has been developed to define the common issues and methodology for all partners in the EU Islands of Innovation project. It is to be used in regional action plan development.”
Kasama sa kursong online ang iba-ibang strategy at paggamit ng TIPPING wheel. Kabilang saw along diskarte ay ang mga sumusunod: working with the creative sector, long-term cooperation w/ SMEs and NGOs, stimulating the network of young entrepreneurs, foster the import and export of knowledge, community involvement, crowd co-design, special institutional arrangements at innovation policy arrangements.
Hindi bababa sa 10 modyul ang Islands of Innovation online course, kagaya ng unang module na naglalaman ng introduksiyong may ilang leksiyon pinalolooban ng foreword, welcome at who are you? Ang module 2 naman ay tungkol na sa TIPPING approach, kung saan matatagpuan ang TIPPING wheel at spokes, backcasting, what is innovation at may homework pa. Ang module 3 naman ay para sa preparation and background at creating an innovation roadmap kung saan kasama ang steps in the action plan, filling in the TIPPING wheel at scoring. Ang module 4 ay pagpapatakbo ng workshop habang ang module 9 ay harvesting workshop results at module 10 ay course wrap up at next steps.
Sa malaking bahagi ang nasa module 5 ang mga strategy, self-assessment at maraming cases study mula sa iba-ibang isla ng Europa. Nasa bahaging ito ang bulto ng mga leksiyon, gawain at bidyo upang magkaroon ng konkretong halimbawa at praktika para sa mga isla at kapuluan. Walang bayad ang kurso at nagbibigay ng sertipiko para sa makakompleto, maaari din maging sertipikadong TIPPING coach o facilitator ang mga makakakuha at makatapos ng Islands of Innovation online course.
Nagpaunlak si Kata Magyar at Stacey Alvarez ng Island Innovation maging si Bonnie Lewtas na siyang punong tagapagpadaloy ng Islands of Innovation. Kasama din ang mga Island Innovation ambassadors mula sa Mimaropa si Dr. Randy Nobleza ng Marinduque at si Dr. Marius Panahon ng Oriental Mindoro.