Ugaliing magsulat at magbasa! Tabi tabi po! Pwera puso… Kitakits at mainlab kay Binbining Bebang (Beverly Wico Siy)
Ikaw ba’y nalolongkot? Nag-iisa? Walang makaosap?
’Wag mag-alala. Narito na ang Nuno sa Puso—ang nakakalokang koleksiyon ng mga Liham—Payo ni Binibining Bebang. Nailathala sa Responde Cavite mula 2009 hanggang 2011, ito ay ang mga tinipong
sulat at pangaral mula sa isang babaeng nakapagpabalik-balik na.
Sa Nuno sa Puso, hihimayin natin ang iba’t ibang aspekto ng ating makukulay na buhay. Sasamahan tayo ni Binibining Bebang na bigyang-solusyon ang halos lahat ng ating quick turns at chill winds: mga suliraning pag-ibig, mga pasaway na ex, mga pakialamerang biyenan at pati ang paghahanda para sa pagpapatuli. Sa koleksiyong ito ay dadaloy ang masasayang payo na puno ng pag-asa, pagbabago, pagtitiwala at pagtawa!
Sa bawat tanong at bawat sagot, makikita natin ang sarap ng buhay, ang tamis ng pag-ibig at ang mga pangako ng bukas. At higit sa lahat, sa tuwing darating ang unos, walang ibang pinakamahalaga kundi ang harapin ito at yakapin, sabay kanta ng:
“Blame it on the rain that was falling, falling.
Blame it on the stars that did shine at night.
Whatever you do don’t put the blame on you.
Blame it on the rain, yeah, yeah!”
Orly Agawin,
Flips Flipping Pages