Isinulat ni Trisha Lauresta at Rachell Ann Arriesgado, Book Nook Interns
Boac, Marinduque – Sa darating na ika-18 ng Marso hanggang ika-7 ng Abril ay magaganap ang Literary Festival at Book Fair, na gaganapin sa Moriones Arena o mas kilalang Marinduque Expo ng Boac, Marinduque. Ang layunin ng pagdiriwang na ito ay itaguyog ang kultura ng Marinduque, gayundin ang pagyamanin at hikayatin ang mga mag-aaral ng ibat ibang paaralan na mahalin ang panitikan.
Iba’t ibang klase ng libro ang inihanda para sa pagdiriwang na ito kagaya ng mga tula, maikling kwento, prosa, kathang-isip, sanaysay, at iba pa na isulat ng mga manunulat na mag-aaral mula sa Marinduque State College (MSC) na malapit nang maging Marinduque State University (MarSU). Ito ay nagpapakita ng kanilang galing, talento, malikhaing ideya at talino ng mga lokal na manunulat mula sa Marinduque.
Noong ika-8 ng Marso naganap ang ikalawang oryentasyon na pinamagatang “Hibla Lokal 2024” na kung saan ibinahagi dito kung ano ang mga proseso at kinakalangan na kagamitan upang mabuo ang ninanais na proyekto o programa. Bukod dito, isinalaysay din kung ano ang International Board on Books for Young People (IBBY) at International Children’s Book Day (ICBD) na ginaganap tuwing sasapit o bago mag ika-2 ng Abril. At ipinakilala dito ang mga organisasyon na tumutulong upang mabuo ang isang proyekto. Ang mga organisasyon na ito ay ang Department of Education (DepEd), Pambansang Aklatan ng Pilipinas, National Book Development Board Philippines, Association of Librarians in Public Sector (ALPS) Inc., Philippine Association of School Librarians (PASLI) Inc., at Philippine Librarian Association Inc.
Sila ang nasa likod ng magandang pagdiriwang ng buwan ng panitikan at book fair na gaganapin sa Moriones Arena ngayong ika-8 ng Marso hanggang ika- 7 ng Abril 2024. Sabay sabay nating saksihan ang nalalapit na pagdiriwang na siyang magbibigay ng kaalaman at kahalagahan kung ano nga ba ang panitikan na dapat nating matuklasan. Aming itatanghal ang iba’t ibang klase ng libro napupukaw sa atensyon ng bawat Pilipino na tiyak na magugustuhan at mamahalin niyo!