Pagkakaiba’t Pagkakaisa

Hinabing boses ng kabataan para sa Isang Ligtas na Tanghalan sa Iba’t ibang lalawigan

 

 

Ang Pagkakaiba’t Pagkakaisa: Hinabing boses ng kabataan para sa Isang Ligtas na Tanghalan sa Iba’t ibang lalawigan, ay proyektong pinamumunuan ng mga mag-aaral ng Associate in Arts (Theatre) mula sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, kumukuha ng Theatre 198 (Special Projects) sa ilalim ngpamumuno ni Prof. Maria Stella Rossa Lopez. Ito ay isinasagawa rin sa pakikipagtulungan sa PETA Lingap Sining, UP Diliman Gender Office, UP Diliman Office of Anti-Sexual Harassment, DZUP, SubSelfie.com at Agimat.

Ito ay tatakbo sa loob ng dalawang araw na naglalayong magbigay diskusyon tungkol sa pagkakaiba ng kultura at ligtas na espasyo sa loob ng teatro sa pamamagitan ng mga porum at workshop. Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng mga kabataang may edad na 18-23 taong gulang mula sa iba’t ibang lalawigan ng bansa na interesado sa pagsasanay ng teatro.