Pagpapatuloy ng Creative Expo: Book Fair at Literary Festival sa Buwan ng Panitikan

Boac, Marinduque – Mula sa matagumpay na Creative Marinduque sa Moriones Expo nang Mahal na Araw, nagkaroon ng Book Fair at Literary Festival mula Marso 18 hanggang 31. Tumuloy sa Marinduque State College (MSC) main campus sa Boac ang Creative Expo simula noong Abril 1 hanggang 5 bilang bahagi ng Buwan ng Panitikan.

 

 

Magkakaroon ng program sa MSC Library and Learning Resource Center sa Biyernes tampok ang may mga may-akdang sina Rhyan Constantino, Vianca May Narito at Arnela Laririt. Sa pagpapadaloy ng mga intern sa MSC Sentro ng Wika at Kultura, sina Nicole Jarabe at Rachel Real, may mga paglalahad ng MarSU Catalogue, storytelling ng Gintong Barko at Gintong Baka. May gawain rin para sa mga kalahok, ang paggawa ng mga bookmark at may pagpipinid ng programa ang Co-Area Coordinator ng Book Nook Marinduque si Dr. Randy Nobleza.

Muling ipagpapatuloy ang Creative Expo sa Book Nook Marinduque sa MSC Extramural Study Center sa Capayang Mogpog mula Abril 8 hanggang 12, may hiwalay na programa sa Abril 10 sa pagpapadaloy ng Book Nook Marinduque interns sina Trisha Lauresta at Rachelle Ann Arriesgado. Ilulunsad ang aklat na “Nagsasariling Araling Filipino” ni Dr. Nobleza tampok ang miyembro ng MSC Litera Club at isa sa nagdisenyo ng libro si Jimely Estoya.

 

 

Magkakaroon din ng bookmark coloring at book fair puzzles. Sa MSC Santa Cruz naman ang tuloy ng Literary Festival at Book Fair sa Abril 15-19 at MSC Gasan naman sa Abril 22-26. Ang huling leg ng Creative Expo ay tatahan sa MSC Torrijos sa darating na Abril 29 hanggang Mayo 3 para sa paglulunsad ng Torrijos Noon. Kahapon, Ngayon.