Pasinaya Open House Festival 2024

Sulong!

 

 

February 3-4, 2024
Cultural Center of the Philippines Complex
CCP Complex, Roxas Boulevard, 1300 Pasay City, Philippines
Website     Facebook     YouTube     Vimeo     Twitter     Instagram
+ Iloilo City & Tagum City

 

Pagsusulong ng Literatura sa Darating na Pasinaya!

Handa ka na bang makisaya sa pinakamalaking multi-arts festival sa buong Pilipinas?

Sugod na sa PASINAYA 2024! Handog ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, ang PASINAYA ay gaganapin sa iba’t ibang lugar sa loob ng CCP Complex, at maging sa piling mga museo.

Upang mabigyang diin ang temang “Sulong,” bumuo ang Sentro ng mga aktibidad na mapapanood hindi lamang sa CCP kundi maging sa iba pang rehiyon sa Pilipinas, kabilang rito ang Tagum City, Davao del Norte at ILOMOCA sa Iloilo. Sa pamamagitan nito, naniniwala ang Sentro na mas maisusulong ang sining at kultura sa mas marami pang Pilipino.

Kaugnay nito, naghanda ang Intertextual Division ng mga kapaki-pakinabang na pampanitikang palihan at palabas na mapapanood sa mga sumusunod na lugar at schedule:

 

PALIHAN – PEBRERO 3

9:00 AM – 10:00 AM
The Art of Storytelling and Bookmark Making” na pangungunahan nina Teacher Mars Mercado at Teacher Ann Millendez sa Tanghalang Ignacio Gimenez Parking.

10:00 AM – 10:30 AM
Crash Course ng Sukat, Tugma, at Sesura” na pangungunahan ng LIRA sa Tanghalang Ignacio Gimenez Parking

11:00 AM – 11:30 AM
Bálay Binaláybay Starter Pack” na pangungunahan ni Noel Galon de Leon ng Hubon Manunulat at gaganapin sa ILOMOCA Lobby, Iloilo

1:00 PM – 1:30 PM
Tugma, Tugma… Pa’no ka Ginawa?” na pangungunahan ni Al Gonzales sa ILOMOCA Lobby, Iloilo

1:00 PM – 1:30 PM
Madali Lang ang Dagli” na pangungunahan ng 8 LETTERS sa Tanghalang Ignacio Gimenez Parking

2:00 PM – 2:30 PM
Things You Wanted To Know About Pinoy Sci-Fi But Don’t Know Who To Ask” na pangungunahan ng 8 LETTERS sa Tanghalang Ignacio Gimenez Parking

3:00 PM – 3:30 PM
Pagbabasa at Pagmamapa sa Apat na Akdang Pinoy na Bida ang Maynila” na pangungunahan ng Pinoy Reads Pinoy Books sa Tanghalang Ignacio Gimenez Parking

4:00 PM – 4:30 PM
Patikim Workshop: Ang Sangkap ng Makabayang Pagtula” na pangungunahan ng KM64 sa Tanghalang Ignacio Gimenez Parking

4:00 PM – 4:30 PM
Interactive Storytelling” na pangungunahan ni Kuwentistang Laybraryan sa Tent 1 Liwasang Kalikasan

4:00 PM – 4:30 PM
Writing for Healing” na pangungunahan ng FLOW sa Main Stage Liwasang Kalikasan

5:00 PM – 5:30 PM
Legal Basics for Freelancers” na pangungunahan ng FWGP sa Tanghalang Ignacio Gimenez Parking Tent

 

PALABAS – PEBRERO 4

Narito naman ang mga pagtatanghal mula sa iba’t ibang pampanitikang samahan at institusyon sa Pilipinas:

– 10:30 AM – 11:00 AM pagtatanghal ni Kuwentistang Laybraryan
– 10:30 AM – 11:00 AM pagtatanghal ng grupong KAWI
– 11:15 AM – 11:45 AM pagtatanghal ng INFINITE REELS mula sa 8LETTERS
– 10:30 AM – 11:00 AM pagtatanghal ng PANGKAT SINEGUEÑA
– 11:30 AM – 12:00 NN pagtatanghal ng grupong TUGA
– 1:00 PM – 1:30 PM pagtatanghal ni Dr. Joel Costa Malabanan kasama ang MAMULAT
– 1:00 PM – 1:30 PM pagtatanghal ng SINTALAB
– 2:30 PM – 3:00 PM pagtatanghal ni STORYTELLER JOY ABUAN
– 3:15 PM – 3:45 PM pagtatanghal ng KM64
– 3:15 PM – 3:45 PM pagtatanghal ng Tulasalitaan PH
– 5:30 PM – 6:00 PM pagtatanghal ng LAYA PH
– 2:00 PM – 3:00 PM pagtatanghal ng Angono 3/7
– 2:00 PM – 3:00 PM pagtatanghal ni Justin Pinon
– 4:00 PM solong pagtatanghal ni Dr. Joel Costa Malabanan

Ang mga nabanggit na aktibidad ay inihanda ng Intertextual Division sa patnubay ng CCP Cultural Content Department.

50 pesos lamang ang pinakamababang donasyon at makakapanood ka na ng mga pagtatanghal na talaga namang kapupulutan ng aral at mas magpapaigting pa ng pagmamahal mo sa sining ng ating bayan! Tara na at samahan kami sa patuloy na pagsusulong ng sining at panitikan!

 

BINGO

Embrace the total experience in Pasinaya by completing our fun and interactive bingo card for a chance to win exciting prizes! Just visit us at the Arts Market Booth in CCP Tanghalang Ignacio Gimenez (TIG) Open Parking this February 4, 2024.

See you there!

 

Related Articles

Art as Food for the Soul

Moving Forward with CCP Pasinaya: Sulong