25 Marso 2022 | 7 PM
The Metropolitan Theater
Padre Burgos Ave, Ermita 1000 Manila, Philippines
Sa patuloy na paggunita sa ika-50 taon ng Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining (Order of National Artists), ihinahatid ng Tanghalang Metropolitan ang konsiyertong PASYONG PILIPINO, mula sa orihinal na teksto ng “Pasyong Mahal” ni Gaspar Aquino de Belen ay iniangkop sa bagong panahon nina Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera at Pambansang Alagad ng Sining Rolando Tinio, kasama ang musika ni Padre Eduardo Hontiveros SJ na hinalaw sa istilong tagulaylay.
Pagbibidahan ang konsiyerto nina ARMAN FERRER bilang Hesus, NATASHA CABRERA bilang Maria, at AL GATMAITAN bilang Pilato, kasama ang Pansol Choir at Joseph Ratzinger Chorus. Si Dennis Marasigan ang direktor ng palabas, samantalang ang direksyong musikal ay pinamahalaan nina Ferdinand Bautista at Mark Anthony Carpio.
Mapapanood ng LIVE ang pagtatanghal sa MET ngayong Biyernes, ika-25 ng Marso, sa ganap na ika-7 ng gabi. Ipapalabas rin ito ONLINE sa Miyerkules Santo, ika-13 ng Abril, sa ganap na ika-7 ng gabi, sa MET Facebook page.