Pinasinayaan ang Pambansang Buwan ng mga Sining sa pamamagitan ng Pagpinta

Boac, Marinduque – Nagbukas ang pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Sining nang magpinta sa Marinduque State College (MSC) quadrangle sina Pangalawang Pangulo sa Akademiks Raoul Magcamit, Pangalawang Pangulo sa Gawaing Mag-aaral Marvin Plata at Pangalawang Pangulo sa Riserts Dr. Ma Edelwina Blase.

 

 

Bilang Kaisa sa Sining (KSS) Regional Center ng Cultural Center of the Philippines (CCP), nakibahagi ang MSC sa pangunguna ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Sa program ng CCP sa Tagum bilang bahagi ng “Pasinaya,” karangalan ng Marinduque ang paglahok ni Johnley Mayorga, sang drafting technology na mag-aaral. Kasama siya sa 13 manlilikhang nagpinta sa mga flyover sa kabisera ng Davao del Norte.

 

 

Batay sa pahayag ng MSC Office of Media and International affairs, “ The community art wall, situated at the wall of the stage in our main campus quadrangle, beckons. Whether you’re a seasoned artist or a first-time doodler, seize this opportunity to leave your imprint. Let your brush strokes resonate with the promise of creativity, unity, and good luck. MSC Arts Month: Where Imagination Takes Flight!”

 

 

Ngayong Pebrero, magbubukas din ang Sine Gunita ang ika-5 “MSC Film festival.” Gayundin may eksibit sa MSC Library and Resource Center. Inaasahan din ang “Marinduque Hearts Fair” kasabay ng mga mahal na araw ngayong taon. Magkakaroon din ng “Literary Art Festival Book Fair” sa Abril bilang paghahanda sa Frankfurt Book Fair kung saan panauhing pandangal ang Pilipinas sa 2025. Bago matapos ang taon, muling magkakaroon ng “Likhai Marinduque” sa Buwan ng Malikhaing Kabuhayan.