August 13, 2019 at 6 PM – 9 PM
Conspiracy Garden Cafe
#59 Visayas Avenue, 1100 Quezon City, Philippines
Paano naisasalin ang hindi nakikita sa teksto, sa tula? Paano maisasalin ang walang katumbas? Ang damdamin sa pagi-pagitan ng mga simbolo? Ang nakakuyom na kamao sa likod ng mga talinghaga? Maisasalin ba? Maisasalin nga ba? Paano? At bakit?
Sinasabing ang “translation” o pagsasalin ang dapat kilalanin bilang unibersal na wika. Isa itong masinsin na disiplinang tumatagos hindi lamang sa wika kundi sa kultura, kasaysayan, sikolohiya at iba pang aspektong maaaring nakahuhubog sa mga akdang nalikha at malilikha. May politika’t ideolohiya tangan-tangan ang bawat wika at ang akto ng pagsasalin nito tungo sa panibagong wika.
Dito sa Pilipinas, ang pagtuturo ng mga bagong wikang banyaga sa mga paaralan ay pagtugon ng pamahalaan sa mga neoliberal na polisiya at paghahanda sa mga mag-aaral upang makapagtrabaho sa ibang bansa. Habang dinaragdagan ang pag-aaral ng banyagang wika ay siya namang pagbawas o pag-iisantabi ng pag-aaral sa wikang Filipino. Patunay na rito ang pagtutulak ng batas na gawing medium of instruction ang salitang Ingles. At sa panahong ito na mas itinutulak ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagtuturo ng Korean Language bilang isa sa mga elective subjects kasama ng iba pang dayuhang wika, dapat tayong manindigan na unahin ang pagpapayaman ng sariling wika na siyang tunay na wikang magpapalaya sa ating sambayanan.
Ang ganda-ganda ng wikang Filipino. Ipagdiwang natin ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga paborito nating tula na isinalin sa sariling wika. Ika nga, hindi lamang wikang mapagbago ang Filipino, wika ito ng karunungan, wika rin ito ng pagkakaisa, wika ito ng kapayapaan, wika ito ng paglaban.
Sali na. Salin na. Salang na.
Invite
https://www.facebook.com/events/2340243526241413/