Saysay at Lunan

 

Wednesday, August 26, 2020 | 2 PM – 4 PM
Museo ni Jose Rizal 
Calamba, Laguna, 4027 Philippines

 

Ang programang ito ay alinsunod sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan pinamatagatang, Saysay ng Lunan: Assessment of Historical and Cultural Significance of a Place” ni Prop. Bernardo Muerong Arellano III ng Social Sciences, UPLB. Gaganapin sa 26 Agosto, 2:00 NH sa isang webinar na pangungunahan ng Museo ni Jose Rizal, Calamba.

Ayon kay Prop Arellano, mahalaga sa ngayon ang pagtatasa o pagsasaliksik tungkol sa mga lokalidad, kasaysayan man o kultural, at sa kung ano ang bumubuo sa pagkakakilanlan o “identity” ng isang lugar. Sa lecture na ito, binibigyang pansin ang metodolohiyang “cultural mapping” na siyang kumikilala, pagtatala, at pagsasaliksik ng mga bagay na may mahalagang kahulugan sa isang lokalidad. Sa pamamagitan nito, pinagaaralan ang historical o cultural significance o ng mga lugar o lunan, bagay, o kaganapan na maaaring may mahalagang saysay sa lipunan sa ngayon.

Ang lekturang ito ay magbibigay ng isang pangkalahatang-ideya kung paano maaaring gawin ng madla ang pagtatasa o assessment ng isang bagay o lunan sa kaniyang kahalagahang pangkasaysayan o pangkultura. Layunin nitong magbigay ng paraan para mas lalong maunawaan ng madla ang mga ito sa pagbuo at pagpapahalaga ng pagkakakilanlan ng kasaysayan at kultura ng kanilang tahanang-bayan.

Maari pong mag pre-register: https://forms.gle/nrVk3rL12Q7dZyR6A