Sero

Mimi Salibio

 

 

May 18, 2019 | Saturday | 6 PM
Art Underground Manila
814 Balagtas St., Barangay Addition Hills, 1550 Mandaluyong City

 

Black and white; charcoal and chalk. Illusion or reality; beginning or end. Opposites perform an exchange that can only be settled through negation, putting us back to where we once started–from scratch. And so does art, with all its apprehensions on what should be the final form: ideal or material, representation vs. abstraction, to speak or to be silent, to resist or to abide. The undulations gathered from each moment of reconciliation seem to always go back to a point in the graph, where the corresponding value is none. But this moment, perhaps, is still worth seeking, and is still worth settling along a certain space–even if it is between nothingness and oblivion.

[ Itim at liwanag, uling at pulbura. Kathang-isip o katotohanan; kasimulan o katapusan. Ang mga bagay na halos ay purong kabaligtaran ng bawat isa, sa kanilang pagsasama, ay tila magaganap lamang sa pamamagitan ng pagsalungat, ng pag-bura, patungo sa lugar kung saan tayo nagsimula–sa umpisa. Maging ang sining na puno ng alalahanin ukol sa kung ano ba ang dapat na anyo: ideya o materyal, representasyon o abstraksyon, ang magsalita o manahimik, ang lumaban o sumang-ayon. Ang mga iba’t-ibang posisyon na natitipon sa bawat pagtutugma ay pawang bumabalik lamang sa isang lugar sa grapiya, kung saan ang katumbas na halaga ay laging sero. Ngunit minamabuti pa rin na hanapin ang posisyon na ito, at mahalagang malaman pa rin kung saang espasyo pipirmi–sa gitna ng kawalan at limot.]

The materials used for this show and the outcome of their forms seem to locate that point where nothing can reside, which is at the center of emerging contradictions. The lowly and yet potent charcoal, the unheralded and yet primal qualities of plaster, and the discarded yet ubiquitous plastic containers, they all transmit a kind of binary language which utters, “I am now here–I don’t exist.” How does this ghosting settle the argument for art’s function? The wall-bound works proclaim their existence through their materiality, not through representation. Their realisms are based on the density of charcoal, and the volume of plaster. Meanwhile, the sculptures’ existence is based on the availability of the objects used–their ‘available forms.’ Crumpled cans and bottles, abandoned cup noodle containers whose realities are based on preoccupation rather than fascination, speak in multitudes through the ghosts of their hardened casts.

[ Ang mga materyal na ginamit para sa pagtatanghal na ito at ang kinalabasan ng kanilang anyo ay pawang paghahanap ng lugar kung saan mananatili ang kawalan, na nasa sentro ng mga nagaganap na kontradiksyon. Ang hamak ngunit mabisang uling, ang di-maipagmamalaki ngunit nangungunang katangian ng plaster, at ang mga patapon ngunit laganap na plastik container, lahat ng ito ay naghuhudyat ng pang-dalawahang kahulugan na nagsasabing, “Ako ay nandito na–ako ay wala.” Papaano itong pangmumulto makakatulong sa gamit ng sining? Ang mga nakasabit na trabaho ay naghuhudyat sa kanilang pag-iral sa pamamagitan ng materyalidad, hindi representasyon. Ang kanilang pagiging totoo ay hango sa density ng uling at bigat ng plaster. Samantala, ang pag-iral ng mga iskultura ay base sa kung ano ang nandyan sa paligid–ang kanilang ‘nakagisnan na hugis.’ Lukot na lata at bote, mga napabayaang cup noodles na kung saan hango ang realidad sa pagkaabala at hindi sa pagkamangha, ay may daing ng maraming boses na galing sa multo ng kanilang molde.]

When we accept certain oppositions, we essentially admit to annihilations. And this is at the core of existence for such presentation: that no truth can emerge from art unless it is rooted in contradiction, and no truth, in fact, can ever hold true unless it is open to its own abolition. And this is why there is an attempt, albeit tragically through their banality, to find expression through opposing forms–because the mind’s ability to hold on to contradicting ideas might be the most rational function it could ever perform.

[ Sa pagtanggap natin ng mga nagtutunggaling ideya, nangangahulugan na inaamin din natin ang malawakang paglipol. At ito ang nasa likod ng pagganap ng presentasyon na ito: na walang katotohanan na maaring lumitaw sa sining hangga’t sa hindi ito nakapaloob sa kontradiksyon, at walang katotohanan na maaring manaig hanggat hindi ito bukas sa sariling pagsupil. At ito ang kadahilanan kung bakit may pagsubok, bagama’t parang trahedya dahil sa kanilang pagiging pangkaraniwan, na hanapin ang ekspresyon sa pamamagitan ng nagtutunggaling anyo–dahil ang isip na kayang panghawakan ang kanyang sariling kontradiksyon ay ang siyang may kayang gumanap ng pinakatuwid na kaisipan.]


For more information call us at 7210745 / 09175237463. Email artundergroundmanila@gmail.com

 

Invite
https://www.facebook.com/events/1610998185699559/