A Fundraising Event for a Cause
Sunday, December 8, 2019 | 11 AM – 7 PM
Green Sun
2285 Chino Roces Ave Ext, 1231 Makati
SIGYA CONFERENCE: MGA KWENTO NG BUHAY AT PANGARAP – A FUNDRAISING EVENT
Akala ko noon sasapat na yung pagpeperform namin sa ibat-ibang entablado hanggang sa napansin ko na ang era ng pagtula ay paikot-ikot lang. Tatauhin, minsan lalangawin. Pero sa kabila ng mga pagkakataong ito, nag-iisip na ako ng paraan paanong magiging mas makabuluhan na hindi lang kami mapako sa pagtatanghal kundi mas makalikha ng bagay na hindi lang matatapos sa entablado. Hanggang sa maisip kong magtayo ng isang library pero hindi lang ng mga textbook kundi mga kwento at pangarap. Pero paano? Baka pwedeng kami na ang gumawa ng entablado.
Binuo ko ang Project Sigya bilang isang bagong programa ng Titik Poetry na naglalayong magsagawa ng mga community service project. At sa programang ito ay gumawa kami ng isang palatuntunan na tatawaging SIGYA CONFERENCE. Maihahalintulad sa isang TED talk conference na alam ko isang araw ay kikilalanin din sa sarili nitong adbokasiya nang hindi na kailangang sumilong pa sa kilalang TED.
Isa itong pagdiriwang ng buhay at pangarap sa ibat-ibang larangan. Magmula sa mga magsasaka, guro, ina, inhinyero, artists, mambabatas at kung sino-sino pang magbabahagi ng kanilang FORMULA sa isang “matagumpay” na buhay.
Lahat ng malilikom na pondo ay mapupunta sa munting lupang ipinagkaloob sa amin ng Barangay Molino IV dito sa Bacoor, Cavite. Pinagkatiwalaan ang kaliitan namin upang magsagawa ng isang malaking proyekto. At sa tulong ninyo at suporta ay maaari itong maisakatuparan.
Ang event ay gaganapin sa GREEN SUN HOTEL MAKATI sa darating na DECEMBER 8. Magsisimula ang registration ng 11 am. Mabibili ang ticket sa halagang 350 pesos na mapupunta sa pondo ng library. Kasabay nito ay handa rin kaming tumanggap ng kahit anong tulong galing sa mga taong makikitaan ito ng saysay magmula sa pinansyal o kaya kagamitan.
Tatawagin nating BALANG ARAW LIBRARY ang proyektong ito. Balang araw hindi lang isa o dalawa ang maipapatayo natin kundi higit pa sa kayang bilangin ng ating mga kamay.