Boac, Marinduque – Inihahandog ng Communication Society kasama ang mga mag-aaral sa ikatlong taon ng Batsilyer ng Sining sa Komunikasyon, the 5th MSC Film Festival, the Official Film Entries ngayong Pebrero 13 sa Marinduque State College.
Tunghayan ang iba’t-ibang ibang istoryang tampok na isyung panlipunan ang puhanan, kamera at lente ang daluyan. Sabay-sabay nating alamin ang kuwento sa likod ng mga pamagat ng kuwentong nalalapit na nilang ilalahad!
Ayon sa Communication Society, “In celebration of unity and creativity, the Communication Society presents you the unofficial posters of the film entries for the 5th annual MSC Film Festival. Prepare yourselves for a spectacular film experience crafted by our talented MSCian directors and writers. Have a glimpse of these behind the scene photos!Join us as we immerse ourselves in the portrayal of social issues with brilliant story telling, alluring cinematography and mind blowing twists. Secure a seat and meet on us on February 13.”
Opisyal nang magbabalik ang paligsahang pampelikula Sa pangunguna ng Communication Society at ng mga mag-aaral sa ikatlong taon ng Batsilyer ng Sining sa Komunikasyon.
Muli nating subaybayan at pakatutukan ang mga pelikulang istoryang panlipunan ang puhunan at lente ang daluyan sa 5th MSC Film Festival na may temang, SINEGUNITA: Pelikulang Isyung Panlipunan ang Puhunan, Camera at Lente ang Daluyan. Abangan natin ang mga kuwentong tampok ang istoryang sumasalamin sa ating lipunan! Mayroong anim na opisyal na lahok ngayong taon: Pag sayaw sa Hiraya, Gintong Binhi, Gayuma, Tirikan, Justicia Denegado at Kape.
Ipinahayag ng dating Pangulong Corazon Aquino noong 1991, idineklara ng Presidential Proclamation No. 683 ang Pebrero ng bawat taon bilang Pambansang Buwan ng Sining upang ipagdiwang ang kahusayan sa sining at magbigay pugay sa kakaiba at pagkakaiba-iba ng pamana at kulturang Pilipino.
Bilang mga estudyante ng Batsilyer ng Sining at mga alagad ng Sining, ang Communication Society ay nakikikisa sa pagdiriwang ng NATIONAL ARTS MONTH na may temang “Ani ng Sining, Bayang Malikhain,” upang ipagdiwang ang ani mula sa malikhaing gawa ng mga natatanging malikhaing Pilipino saan mang sulok ng mundo! Saludo ang buong CommSoc sa husay at galing ng mga Pilipino!