Boac, Marinduque – Sa pagtataguyod ng Island Innovation, isang creative agency para sa mga island at mga kapuluan ay magkakaroon ng “Island Finance Forum 2023” ngayong Abril 18-20 sa pamamagitan ng online tampok ang mga content tracks kagaya ng sumusunod: risk & finance, climate finance, renewable energy finance, blue economy, FinTech at Innovation kasama ang start-up ecosystems.
Sa unang araw, magkakaroon ng limang sesyon kasama ang pambungad pinapangunahan ng Bermuda Deputy Premier at Minister ng Home Affairs si Hon. Walter Roban, Saint Kits and Nevis’ Minister para sa Foreign Affairs Dr. Denzil Douglas at isa sa mga major sponsoring partner mula sa Bahamas Kevin Cambridge. Susundan ito ng isang networking sesion ng mga taga-isla at mainam para sa talakayan ng mga taong naghahanap ng kapwa nila naghahanap ng mga parehong sa rehiyon maging sa buong mundo.
Habang ang kasunod na araw naman ay nakalaan para sa financing ng renewable energy “transitions in islands out of the blue.” Mayroon din mga interesanteng paksa tungkol sa “ blue economy” at “conservation finance.” Kasali din pangalawang araw ang para sa “green economy” at matatapos muli sa networking kagaya sa unang araw. Sa huling araw, ang mga napapanahong usapin ay tungkol sa “weather hazards, public debt at ang green and blue economy.” Kaabang-abang ang pampinid na sesyon sa “blue economy solutions showcase” at “digital innovation & FinTEch for Climate Action”.
Ang Marinduque ay kakatawanin ni Dr. Randy Nobleza, ang Island Innovation Ambassador at Academic Council Representative. Nakapag-ugnayan na siya sa mga civil society organization at mga susing local government officials upang i-mainstream ang usapin ng “Rights of Nature and orange economy” bilang alternatibo sa pagmimina o anumang “extractive industries” sa nasabing lalawigan.
Ayon sa kanya, “Marinduque State College’s College of Arts and Social Sciences (CASS), has become a Founding Member of Island Innovation’s newest venture, the Island Innovation Academic Council. Membership is open to academic institutions that facilitate studies centered around topics of particular relevance to islands, such as sustainability, the Blue Economy, as well as the culture, economy, biodiversity and environment of island territories all over the world.”
Batay sa pahayag ng Marinduque State College, “One of the main goals of The Academic Council is to establish a greater academic focus on island communities by utilizing islands’ social, economic and cultural realities as the context for exploring these topics. This will provide the opportunity for members to disseminate their research to a wider audience, and maximise the impact of this to future innovators. An added benefit is the facilitation of an enhanced level of engagement between multiple stakeholders, such as researchers, NGOs, and policy makers.”
Dumaan na ang Island Innovation Ambassador sa serye ng mga pagsasanay simula noong Pebrero 2023, kasama ang mga paksa sa “sustainable development, climate finance, how to be an impactful ambassador changemaker.” Hanggang Disyembre ay magdaraos ang Island Innovation ng Virtual Island Summit at lokal na bersiyon nito sa mga kanya-kanyang isla kagaya ng Marinduque.