Tuldok; Kuwit – Mga Obra ni Anto

Eksibit tungkol sa Pagtatapos at Pagsisimula ng Gawa at Trabaho ni Antonio Monteagudo

Boac, Marinduque  – “Pagkatapos, may kasunod lagi,” sa dami ng series, mula sa Manila hanggang magtrabaho sa kapitolyo mahigit sa 100 na study  ni Antonio Monteagudo. Nagkaroon ng eksibit si Ka Anto ng 26 na painting at isang sculpture nagbukas noong Abril 3, Lunes Santo sa Casa Real at ibang produkto kagaya ng serigraph sa Marinduque Expo nang mga Mahal na Araw.

 

 

“Textured cubism, may dots, points, at kuwit parang tribal, geometric, matigas sa wall. Aboriginal, may curves, malambot. Hindi realism pera sa mga kubo old/ heritage house. Representational pa rin, hindi abstract nasa paggitan ng realism at abstracting. Painter at artist, meron artist hindi marunong magdrowing. May painter, pero hindi artist.” Sabi ni Ka Anto.

 

Randy Nobleza with Ka Anto

 

Iba-iba ang tema ng mga obra ni Ka Anto, ani nga niya “Air, land and sea. Day and night tapos paradise” Nasa kanyang studies, notes o sketch drawing hindi na niya kailangan magisip ano ang iguguhit o ipipinta. Karamihan ng kanyang mga gawa para sa tuldok; kuwit ay tungkol sa moryon o gumagawa ng moryon, mayroon din tungkol sa Semana Santa kagaya ng panata, retaso, pighati, longhino at church bell. Bagamat meron din ibang trabaho na hindi tungkol sa moryon o Holy week, katulad ng putong, saliw, mangingisda, tanglaw at oyayi ay mayroong para naman sa mga flora at fauna: Paraiso, indiscriminate development at pagkagising pagkatapos ng matagal na pagtulog ni Juan.

 

 

Partikular ang acrylic na pintura ni Ka Anto, ang “Moryon 4” noong 2020,  hindi naman literal na apat na maskara ng moryon kundi pang-apat sa serye. Ang moryon sa simpleng salita ay “visor” o helmet ng mga Espanyol, bago pa maging Lenten rites o religious festival. Makikita ang iba-ibang mukha, maskara, uri tulad ng Romano at Bulaklakan nasa background ng iba-ibang texture.

 

“Mangingisda” by Ka Anto

 

Samantala, bagamat pareho ng materyal na pintura at canvas, matatagpuan sa “mangingisda” nitong 2023 ang air at water ay kaiba kasama ang tao sa kanyang kapaligiran. Puti at bughaw ang dominanteng kulay na pinapatingkad ng texture na nagbibigay ng background sa mangingisda sa kanyang bangka may kawil na isda may kulay ng lupa o alabok.

 

 

Habang ang “retaso” 2022 ay nagpapakita ng mga tao may tangan na liwanag at isang sentral na ilaw. Gamit ang texture para makagawa ng mga hugis ng tao, liwanag at ilaw. May parehong kulay ang malaking ilaw na parang tela na pareho sa retaso, iisa ang pinanggalingang tabas kahit iba-iba ang may hawak.

 

 

Panghuli, mainam na bigyan ng tuon ang “pagkagising pagkatapos ng matagal na pagtulog ni juan” 1999, kala mo ay nagtatanim o nagdadasal sa araw habang may tumutubo na halaman sa gilid. Kunmpara sa Moryon 4, mangingisda at retaso, kahit na makikita pa rin ang mga tuldok at kuwit na mailalarawang may texture, ang pinaka-konseptuwal na gawa at simboliko sa hinaharap at likas-kayang pamumuhay. May tinanim, may aanihin, liban sa tubig, lupa at liwanag, mahalaga ang sining ang panaginip at pagguhit nito pagkatapos magising. Si juan ay kagaya ng persona ni Pete Lacaba sa kagilagilalas na paglalakbay ni Juan Dela Cruz o ni Norman Wilwayco, paano ko inayos ang buhok ko pagkatapos ng mahabahabang paglalakabay?

 

Processed with VSCO with b5 preset

 

Pangatlong eksibit na ito ni Ka Anto, ang una ay group exhibit ng kanyang grupo ang dagta visual arts group. Ang kasunod ay sa Tahanan Inn at National Museum sa Marinduque. Nagtapos siya ng Fine Arts sa University of Santo Tomas, pinanganak at tubong Boac, Marinduque. Nagtrabaho sa industriya ng turismo, nagdisenyo ng mga selyo ng lalawigan, Mimaropa, Labanan ng Pulang Lupa at Paye kasama ng marami pang iba. Mayroon pang ilan kopya ng serigraph niyang series of 30 kasabay ng eksibit na Tuldok;Kuwit.

 

[ Story by Randy Nobleza ]