KoLektibo – KoNektado

Yakapin Ating Kultura't Kalikasan Alay sa Lipunan - YAKAL‎KoLektibo - KoNektado Page Liked · February 6 · "KOLEKTIBO-KONEKTADO" Ang KOLEKTIBO-KONEKTADO ay isang seryeng sumasalamin/sasalamin sa mga bagay na may kinalaman sa kalagayan ng ating lipunan. Ito’y isang aktibidad na kung saan magtitipon-tipon ang mga alagad ng sining upang malayang makapagpahayag at makapagbahagi ng kanilang saloobin at pagtingin mula sa sariling perspektiba para sa kalagayan at mga kaganapan ng ating bayan sa pamamagitan ng sining. Isa sa isensyal na ibibigay ng proyekto ay makapaghatid ng kamalayan at makalikha ng koneksiyon sa mga taong mayroon adbokasiya para sa bayan na siya namang maaaring maging dahilan upang sila ay magsama-sama at magkaisa para sa iisang adhikain at layunin. ***Mayroon po tayong entrance fee na P100 w/ free beer. Ang bawat proceeds na malilikom ay gagamitin sa pagsusustina ng aktibidad na ito. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na po kami sa inyong pakikiisa.

 

February 11, 2017 at 7 PM – 1 AM
Solo Arts and Dines
Siera Madre St. (at the back of G.A Tower), 1550 Mandaluyong City

 

Iniimbitahan ng Kolektibo-Konektado ang lahat ng alagad ng sining upang umambag at makiisa sa makabuluhang araw na ito.

Maari kayong aktuwal na mag-pinta o gumuhit, mag dala ng mga sariling likha, mag-alay ng tula, sayaw at kanta na sumasalamin sa kalagayan at mga kaganapan ng ating bayan.

Ang KOLEKTIBO-KONEKTADO ay isang seryeng sumasalamin/sasalamin sa mga bagay na may kinalaman sa kalagayan ng ating lipunan. Ito’y isang aktibidad na kung saan magtitipon-tipon ang mga alagad ng sining upang malayang makapagpahayag at makapagbahagi ng kanilang saloobin at pagtingin mula sa sariling perspektiba para sa kalagayan at mga kaganapan ng ating bayan sa pamamagitan ng sining.

Isa sa isensyal na ibibigay ng proyekto ay makapaghatid ng kamalayan at makalikha ng koneksiyon sa mga taong mayroon adbokasiya para sa bayan na siya namang maaaring maging dahilan upang sila ay magsama-sama at magkaisa para sa iisang adhikain at layunin.

*** Mayroon po tayong entrance fee na P100 w/ free beer. Ang bawat proceeds na malilikom ay gagamitin sa pagsusustina ng aktibidad na ito. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na po kami sa inyong pakikiisa.

 

Invite:
https://www.facebook.com/events/1396788870363115/