Active Vista Human Rights Festival: TRESE

Sumpa o sinadya?

Ngayong Active Vista Human Rights Festival: TRESE, inaanyayahan tayong lahat na tumingin nang mas malalim sa mga puwersang wari’y ‘di nakikita ngunit humuhubog sa ating buhay. Hindi mga nilalang mula sa alamat, kundi mga sistemang mapaniil na patuloy na gumagapos sa atin: katiwalian, panunupil, at kawalan ng pananagutan.

Ang malas ay hindi kapalaran kung hindi ang bunga ng kapangyarihang nagtatakip ng katotohanan. Gamit ang pelikula, sining, at musika, bubuksan natin ang mga kuwentong nilunod sa baha, hahamunin ang mga puwersang iginigiit na malas maging Pilipino, at sama-samang magninilay kung paano ipaglalaban ang ating karapatan.

Sapagkat sa gitna ng unos, sama-sama nating isusulat ang ating tadhana salungat sa mga sumpa na kanilang sinadya.

Festival Events