Bago Dumilim sa Labas: Sinasalamin ang realidad ng buhay sa Pandemya

Hindi tumitigil ang paglipas ng mga segundo. Hahayaan mo na lang bang oras na lang ang mag-dikta?

 

 

Mula sa De La Salle – College of Saint Benilde’s Theater Arts Program, inihahandog ng Sining LABinsiyam ang: Bago Dumilim sa Labas, sa direksyon ni Jack Denzel Gaza at sa panulat ni Janji Gamboa.

Matutunghayan ang kwento ng dalawang magkapatid na sina Juan (Michael Hilao), isang student-artist, at Pablo (Ethan Wong), isang medical front liner, na pilit tinatahak ang reyalidad ng buhay habang sila ay sinusubok ng mga problema at paghihirap dala ng pandemya.

Sa limitadong oras at kakayahang pinansyal, kinakailangan nilang magkasundo sa isang desisyon na susubok sa kanilang relasyon. Sa lahat ng pagsubok na kanilang pasan, malalagpasan kaya nila ito?

Kilalanin sina Juan at Pablo sa kanilang makabuluhang kwento ngayong Abril 6 hanggang Abril 13, 2022, 11AM – 11PM. Mabibili ang tiket sa Ticket2Me.net sa halagang PHP 150.

Oras na lang ba ang makapagsasabi?

Bumili na ng tiket habang hindi pa dumidilim sa labas at tuklasin ang mundo ng online theater!

 

Para sa karagdagang impormasyon 

Bago Dumilim sa Labas