BANYUHAY: Mga Dulang Sumasalamin sa Iba’t Ibang Anyo ng Buhay

 

November 15, 2018
Asia Pacific College
3 Humabon Place Magallanes, 1232 Makati

 

Ang siyang ikinukubli ay siyang pilit na ibubulgar.
Ang hindi natatanaw ay siyang walang habas na ilalahad.

Ito na ang tamang pagkakataon…
Narito na’t uusigin ang kamalayan tungo sa pagbabagong anyo ng buhay. 🦋

Inihahandog ng Teatré Phileo ang isang pista ng pagtatanghal na pinamagatang, “BANYUHAY: Mga Dulang Sumasalamin sa Iba’t Ibang Anyo ng Buhay”.

Ang pagtatanghal na ito ay naglalaman ng serye ng mga dulang sumasalamin sa kontemporaryong isyu na kinakaharap ng lipunan na inilapat sa paraang artistiko at pagpapahiwatig.

Ang pista ay gaganapin sa ika-15 ng Nobyembre, Huwebes, sa Asia Pacific College (APC) Auditorium. Ito ay bukas sa komunidad ng Asia Pacific College, gayon din naman sa mga bisitang nais manood ng mga dula.

Iskyedul ng pagtatanghal:

*First Show: 2:30 PM ng Hapon
*Second Show: 5:30 PM ng Hapon

Ang pagtatanghal ay LIBRE sa lahat ng mga nais manood. Maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod kung mayroong mga katanungan:

Clarisse Laranang
09751580281

Mary Joy Mateo
09194997613

Halina’t tunghayan ang paghahayag! 🎭

#TP15 #Banyuhay #TheaterFestival