Dagok

Isadore Gabriel Lerio

 

 

November 22 – December 20, 2020
Opening Reception
Sunday, November 22 | 3PM
Giant Dwarf Art Space | Gallery 1
015 Manila East Road Hi-way corner Dona Justa Street, Brgy. San Roque, Angono, Rizal 1930 Angono, Philippines

Website     Instagram     Facebook

 

Ang konsepto ng show na ito ay nakasentro sa naging epekto ng pandemyang COVID-19 sa Pilipinas. Sa simula ng pagpasok ng virus, hindi maitatanggi na nabigla at nagulantang ang sistema ng ating bansa. Apektado ang buong sangay, ahensya at departamento ng ating pamahalaan.

Matinding dagok sa ating buhay. Para itong bangungot at binansagang “new normal”. Matira matibay ang naging labanan. Lumikha ito ng anxiety, mental torture at takot sa mga tao. Nayanig ang physical, mental, emotional at spiritual na estado ng mga Pilipino.

Nangamba ang lahat ng mamamayan, mula sa bagong silang hanggang sa mga senior citizen. Nagkaroon ng kakulangan sa supply pangmedikal. Nagkaroon ng diskriminasyon laban sa mga frontliner. Nagkaroon din ng aberya sa pagbibigay ng hazard pay at ayuda. Hanggang napagod ang mga doktor.

Nanlimos ang mga driver at milyon-milyon ang nawalan ng hanapbuhay, kasama na ang mga OFW. Nagsara at nahinto ang mga negosyo. Naging masalimuot ang pag-aangkat ng mga produkto.

Sapol din ang turismo, magsasaka’t mangingisda. Natigil ang mga construction. Nanibago rin ang mga guro at estudyante.

Naudlot ang mga kasalan at social gathering. Naudlot ang eksena sa Art. Kalbaryo rin ito sa mga manginginom.

Nagkaroon ng malawakang lockdown, at may mga pang-aabusong naganap. Shoot to kill minsan para sa mga mahihirap na lumabag. Lumala ang bilang ng mga namatay na wala sa tamang proseso.

Nagkahawahan na rin ang mga inmate dahil siksikan sa selda.

Ipinasara ang ABS-CBN. Nakakabigla rin ang Meralco bill at ang korapsyon sa PhilHealth.

Naging malaking isyu ang “rehabilitasyon” ng Manila Bay.

Gayunpaman, oportunidad ang pandemyang ito para magmuni-muni ang bawat Pilipino upang tumatag at lumago. Dahil sa pandemyang ito, nalantad ang kapabayaan sa kalagayan ng ating pamahalaan at mamamayan, at mas luminaw kung ano ba talaga ang dapat bigyan ng prioridad.

Makakabangon din tayo muli. Sa sama-samang pagkilos, hahanapan natin ng solusyon at lunas ang mga kasalukuyang problema. Hanggang unti-unting maghilom ang mga tinamong pasa, pinsala, at sugat.

Hindi lang babatahin ang matitinding dagok ng buhay.

Babakahin. Sasalungatin.

Hanggang sa tagumpay!

– Isadore Gabriel D Lerio

 

For inquiries, contact thru these numbers: (landline) 83599951, (mobile) 0977 1400559 or email at: giantdwarf.ph@gmail.com